Chapter 8: Too Early

159 3 0
                                    

Chapter 8: Too Early

-3rd Person POV-

"Bilisan mo!" sigaw ni Amita sa taas. "Male-late ka na!"

Agad na tumakbo pababa ng hagdanan ang walong taong gulang na batang si Jhun Ren Sonoh pagkatawag sa kanya ng kanyang Mommy. Kinuha niya yung bag niya na nakalapag sa sofa nila at aalis na sana siya nang tinawag siya ni Joy mula sa bahay nila.

"Bakit?"

"Don't go," sabi ng tatlong taong gulang na batang si Joy Rhea Ruiko. Nakatayo ito sa tapat ng pintuan ng bahay nila.

"I have to go," sagot ni Ren. "Pupunta na ako sa school."

"No!"

"Joy, sorry ha?" Pinuntahan siya ni Ren at hinalikan nito ang noo ng bata. "Sige, ingat." At naglakad siya papunta sa tabi ng kalsada para hintayin ang pagdating ng school bus nila.

"Kuya Jhun Ren."

Napalingon siya sa likuran niya. Nagulat siya nang nakita niya si Joy na nakatayo sa tabi niya.

"Joy, anong ginagawa mo dito?" tanong ng batang lalaki sa kanya.

"I go to school with you."

"Di ka pa pwede eh." Binuhat niya si Joy at dinala niya ito pabalik ng bahay nila.

"No!" reklamo ng bata. "I want to go to school!"

"Joy, di pa pwede eh."

Wala nang ginawa si Joy kundi umiyak na lang habang binubuhat siya ni Ren pabalik sa bahay nila, eksaktong dumating na yung school bus nila. Pagkalapag niya kay Joy sa tapat ng bahay nila at pagkatapos niyang magpaalam ulit sa bata ay agad itong tumakbo papunta sa loob ng sasakyan nila.

----------

"Joy?! Pano ka nakarating dito?!" bulalas ni Ren nang makasakay na siya sa school bus nila.

Laking gulat na lang ng batang lalaki nang biglang lumapit si Joy sa upuan niya. Pagpasok kasi ni Ren sa loob ng sasakyan nila ay tumakbo kagad si Joy para sundan ang Kuya niya. Talagang ayaw ng bata na mahiwalay sa Bubba niya.

"I go to school," simpleng sagot ng bata.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon