Chapter 38: I Love You, Sissy

155 2 0
                                    

Chapter 38: I Love You, Sissy



Pakiramdam ko'y parang nadurog ng tuluyan ang puso ko sa sinabi ni Sissy. I couldn't imagine why she would think that, because she was so wrong.



"Wh-What makes you think that?" tanong ko sa kanya.


"N-Nung party ni Kuya Nick," sagot ni Joy, halatang naiiyak na siya. "Sabi mo, s-si Ate Rullanne lang ang love mo, at siya lang ang babae sa buhay mo. *hik*"



At this point, tumutulo na ang mga luha sa mata ni Joy. Hindi na niya napigilan ang sarili niya at tuluyan na siyang naiyak.



Biglang naalala ko yung gabing yun, yung party ni Nick, yung gabing sinabi ko yun sa girlfriend ko.



"Promise. Ikaw lang ang mahal ko at babae sa buhay ko."



Narinig pala ito ni Joy? Hayy. Bakit hindi na lang niya kasi sinabi na nasaktan pala siya sa sinabi ko? At bakit parang naguiguilty pa ako sa sinabi ko? Di ba dapat yan ang sinasabi ng isang boyfriend sa girlfriend niya? And in the first place, bakit nga ba siya nasaktan sa sinabi ko? Argh. Ang gulo na ng nararamdaman ko.



"At dahil nga dun, s-siguro it would be better if I wasn't ali—-"


"No, stop!" putol ko sa kanya. "Don't ever say that again. It's not true."



Nagsimula na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Kasalanan ko ang lahat ng to, I never realized that my Sissy was feeling all of this. I was supposed to be the Bubba that protected her, but clearly I didn't do my job.



Hindi ko alam kung bakit, pero sa sandaling yun, parang may iba akong naramdaman, parang hindi ko kayang mawala siya sakin. Iniisip ko palang na mawawala siya, parang sobrang bigat na ng loob ko. So now, I have to show her how important she is to me, I have to prove to her how much I love her. And I would make sure she knew that, no matter what. After all, that's what Kuyas do to their little sisters, right?



"So, I made you feel like that?" mahinang tanong ko kay Joy. Deep inside, I was praying the answer would be no, because I wouldn't forgive myself if I find out that I'm the reason why my own Sissy feels so unloved.


"Ayokong masaktan kita, Kuya Ren," sagot niya.



Sa sandaling yun, parang may sumaksak sa dibdib ko. Ako pala ang dahilan kung bakit nagkakaganun siya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Malamang, ako ang Kuya niya, and Kuyas are supposed to make their little sisters feel loved. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang patindi siya ng patindi? Am I supposed to feel that way?

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon