Chapter 5: Bubba and Sissy

165 4 1
                                    

Chapter 5: Bubba and Sissy



"Come on, Joy. Left, right, left, right."



Joy and I are inside my room today. And yes, I'm teaching Joy how to walk. Dapat kasi, hindi lang siya marunong magsalita. Dapat marunong na rin siyang maglakad, kasi as soon as she learned how to walk, she would be able to play games with me. Makakalaro ko na rin siya. Ang saya nun, di ba?



"Come on. Kaya mo yan." Hinawakan ko yung dalawang kamay niya habang nakatayo si Joy. Tinutulungan ko siyang igalaw ang paa niya para maglakad.


"No," sabi ni Joy. Oo, alam na rin ni Joy na sabihin ang 'No'. Talino ng baby sister ko, noh?


"Sige na. Just watch Kuya Jhun Ren, okay?"



Tumayo ako sa harap niya para ipakita ulit sa kanya kung paano maglakad. I lifted my right foot and took a step, then my left foot.



"Just do that." Hinawakan ko na naman yung dalawang kamay niya at pinatayo ko ulit siya.



Just then, pumasok si Mommy sa kwarto ko.



"Ren," sabi niya. "It's almost time to—-are you trying to teach Joy to walk again?"


"She has to start walking soon!" sabi ko kay Mommy.


"She will. Maghintay ka lang. Pupunta na tayo sa Jollibee kasama sina Tito Raffy at Tita Joyce mo so make sure your ready."



Tumango na lang ako bilang sagot at lumabas din si Mommy sa kwarto. Paglabas niya ng kwarto, hinawakan ko ulit ang dalawang kamay ni Joy at sinubukan siyang palakarin siya. C'mon, when will she walk? Gusto ko na siyang makalaro eh! Gusto ko nang maglaro kami ng tagu-taguan, o di kaya out-outan pag makalakad na siya.



"Come on," sabi ko sa kanya. "Kahit isang step lang, Joy. Please?"



Pero wala pa rin. Nakaupo pa rin si Joy sa sahig na nakatingin lang sa akin. Hayy. Kelan kaya makakalakad ang baby sister ko?



"Hayy. Dito ka lang then, Joy."



Iniwan ko muna si Joy na nakaupo sa sahig at kinuha ko yung sapatos ko sa cabinet ko. Lumingon ako ng saglit sa kanya para i-check kung nandiyan pa rin siya sa kinauupuan niya.



At pagtingin ko sa kanya, I rubbed my eyes to make sure I wasn't seeing things. Nang ganun pa rin ang nakita ko, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. WOW! Nakatayo na si Joy! Without my help! All on her own! Ibig sabihing, maglalakad na siya! Maglalakad na ang baby sister ko!



"TITA! MOMMY! MAGLALAKAD NA SI JOY!" sigaw ko sa sobrang excitements ko. Agad namang pumasok sina Mommy at Tita Joyce sa kwarto ko pagkatapos ko silang tawagin. Mukhang nagulat rin sila nung nakita nila si Joy na nakatayo.



Maya-maya, lumabas ulit silang dalawa. Bumalik din naman agad silang dalawa, this time kasama na sina Tito Raffy at Daddy na may hawak na video camera si Tita Joyce. Tinutok ni Tita Joyce yung camera kay Joy. I can't wait to see her take her first steps! Weeeeeee!



"Come here, Joy. Lika dito," excited na sabi ko kay Joy.



She slowly lifted her foot, and took a step towards me. Yes! She's walking! I can't believe this! Naglalakad na ang baby sister ko! This is so amazing!



Ngumiti ako sa kanya. "Weeeeee! Halika na, Joy! Punta ka na kay Kuya Jhun Ren!"



She took another step towards me. Weeeeee! Naglalakad na talaga si baby sister! I can't wait to play with her!



"Halika na!" sabi ko ulit sa kanya.



Naglakad ulit siya ng dalawang hakbang bago tumakbo ng saglit papunta sakin. Niyakap niya ako, dahilan para ngumiti ako sa kanya. Awwwww. Ang sweet naman ng baby sister ko.



"Bubba Chunwen!" sabi pa ni Joy pagkayakap niya sakin. Wow! She even said 'Jhun Ren' again! She really does know me! Kilala na talaga ako ng baby sister ko!


"YOU DID IT, JOY! YOU DID IT!" sigaw ko sabay yakap din sa kanya. "Pakiulit nga Joy, anong sabi mo?"


"Bubba!" sigaw ni Joy sakin habang nakangiti. "Bubba!"


Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong sinasabi mo, Joy?" nagtatakang tanong ko sa baby sister ko. Sa pagkakaalam ko, Jhun Ren ang pangalan ko eh, hindi Bubba.


"Bubba! Love Bubba!" sabi ulit ni Joy sa akin. That's weird, hindi naman Bubba ang pangalan ko ah.


"'Bubba'? Mommy, ano ang 'Bubba'? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun." tanong ko kay Mommy, siguro alam niya kung bakit. My Mommy knows everything, lagi siyang may sagot tuwing nagtatanong ako sa kanya.


Narinig kong tumawa ng mahina si Tita Joyce. "I think she's trying to say 'Brother', kaso nabubulol pa kasi siya kaya hindi niya masyadong napo-pronounce ng mabuti."


"Really, Joy?" Tumingin ako sa baby sister ko. "I'm your Bubba?"


Tumango naman si Joy. "Bubba! Love Bubba Chunwen!"



At sa puntong yun, naiintindihan ko na ang huling sinabi ng baby sister ko. She said she loves me. Ang sweet niya talaga. Kaya nga love na love ko si baby sister eh.



"Awwwwww." Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. "Bubba Jhun Ren loves his Sissy, too." Yup. Starting today, I'll call her Sissy from now on. Joy's now my Sissy. Weeee! I love my Sissy!



At nung lumabas na kaming lahat papuntang Jollibee, naglakad na talaga si Joy. Of course I was holding her hand along the way para hindi siya matumba. Weeeee! I can't wait to play tag and hide-and-seek with her!

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon