Chapter 29: Bubba's Graduation

153 2 0
                                    

Chapter 29: Bubba's Graduation



"Hayy," buntong-hininga ni Amita habang nakatayo silang tatlo nila Ren at Renato. "Parang kelan lang, noh? It seemed like only yesterday he was just a little boy."


"Oo nga," sabi naman ni Joyce. "Tapos ngayon, binatilyo na ang prince Ren mo. Ang bilis talaga ng oras." Ngumiti siya.



Graduation kasi ni Ren ngayon ng Elementary, at kasama din sa selebrasyon ang pamilya Ruiko. Naka-assemble na ang mga estudyante at magulang na nakapila na sa labas ng graduation hall ng school. Maya-maya kasi ay mag-iistart na ang seremonya.



"Pero kahit matanda na siya, he'll always be my baby Jhun Ren. Di ba, anak?" Yumakap si Amita kay Ren, dahilan para mamula ang mukha ng binatilyo dahil sa hiya.


"Mom, please," Ren mumbled. "You're embarassing me."


"Hey!" singit naman ni Joy na nakakunot ang noo. "I thought I was the baby!"



Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ng bata. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maintindihan ni Joy yung sinabi sa kanya ni Ren tungkol sa mga babies.



"Haha. Etong anak ko talaga," natatawang sabi ni Joyce. "Siyempre ikaw pa rin ang baby namin." Binuhat niya si Joy at hinalikan niya ito sa pisngi.


"Hayy, binata na tong anak ko," sabi ni Renato habang nakangiti. "Hindi talaga ako makapaniwala na magfi-1st Year High School na ito sa June."



Ngumiti na lang si Ren sa sinabi ng ama. He did realize he was growing up.



"Ren," dagdag nito. "May balak ka na bang ligawan?"


"Renato!" saway ni Amita. "Bata pa tong si Ren!"


"He's not a child," sabi ni Renato. "He's a little man."


"Ano ba, Renato? 12 years old palang siya. Hindi pa siya pwedeng magkagirlfriend."


"Sonoh men aren't boys, Ami. They're men. Right, sport?"



Natawa na lang si Ren sa pinagtatalunan ng Mom at Dad niya. Ang cute nilang tignan, sabi niya sa isip niya. Para silang mga bata.



"Hm, pano na lang kaya kung sina Ren at Joy noh? Hahaha!"



Nanlaki ang mata ng lahat, pati yung dalawang bata. Hindi nila inakalang sasabihin yun ni Renato. Sabi kasi ni Renato minsan, kahit five years ang agwat nila Ren at Joy, kahit papaano ay bagay yung dalawang bata sa isa't-isa.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon