Chapter 39: Sissy's Graduation

123 2 0
                                    

Chapter 39: Sissy's Graduation



March . . .



-Joy's POV-



"After six long years, dumating na rin ang araw na to. Bilis noh?" sabi ni Tita Amita.


"Oo nga," dagdag ni Mommy. "Sa wakas, graduate na rin tong princess Joy ko ng Elementary. Hayy, ang bilis nga naman ng oras oh. Parang kahapon lang, si Ren yung nag-graduate dito. Ngayon naman, si Joy na." Ngumiti siya.



Hindi ko napigilang ngumiti sa narinig ko. Talaga naman oh, ang bilis-bilis ng oras. Parang kahapon lang nung una akong pumasok sa school na to bilang Grade 1 pupil, tapos ngayon, magtatapos na rin ang Grade School days ko. Yup. You guessed it. Graduation na namin ng Grade 6. Weeee! Magha-High School na rin ako sa wakas!



Nakatayo kami ngayon sa may graduation hall ng school namin, ilang oras na lang kasi at magsisimula na ang program. Ano tong feeling na to? Parang excited and at the same time nervous. Excited ako kasi graduate na kami ng Elementary, nervous naman ako kasi mag-iispeech ako mamaya!



Yeah, mag-iispeech ako mamaya. Ako kasi yung valedictorian ng buong batch namin. Galing ko noh? Wala eh. Hehe.



"Naks naman, valedictorian oh. Ang galing ng Sissy ko," bulong sakin ni Kuya Ren. "Mas magaling ka pa pala sakin ah!"


Ngumiti ako sa kanya. "Haha. Ako pa!"



Nagtawanan kaming dalawa, pero kahit papaano naman ay totoo naman yung sinabi ng Bubba ko. Pano naman kasi, hindi siya naging valedictorian nung nag-graduate siya ng Grade 6. Samantalang ako, umaariba ang grades ko. Haha. Sorry naman daw kung masyado na akong nagmamayabang. Peace!



"Hayy," buntung-hininga ni Mommy. Haha. Drama much? "Baka pag High School na siya, may boyfriend na siya."



Napailing na lang ako. Ano ba naman tong iniisip ng Mom ko. Pag High School na ako, ligaw agad? Errr, wala akong time para dun noh. Studies first ata ang motto ko.



"Ren kasi," sabi ni Tito Renato at bahagya niyang siniko si Kuya Ren. "Ligawan mo na kasi si tong si Joy! Tutal malaki na tong si Joy ah. Pwede na yan. Hahaha!"



Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. OMG, ano daw? Ako? LIGAWAN?! DUH! As if naman! Gaya nga ng sabi ko, wala akong panahon para sa mga ganung bagay noh! At isa pa, may girlfriend na si Kuya Ren kaya there's no way na liligawan niya ako!



At bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang sumikip pa ata ang dibdib ko nang maisip ko yun?

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon