Chapter 15: Sorry, Kuya

151 3 0
                                    

Chapter 15: Sorry, Kuya



Nakahiga si Ren sa kama niya habang nagbabasa siya ng libro tungkol sa Mathematics. Magkakaroon kasi ng exam sina Ren sa Monday, at kelangan na niyang mag-review. Concentrated na concentrated na siya sa pag-aaral, but he was interrupted when someone knocked on his door.



"Sino yan?" tanong niya.


"Si Joy to!"



Napabuntung-hininga na lang si Ren. Sinabi kasi nito sa kanya kanina na hindi sila makakapaglaro ngayon kasi nga magrereview siya, and she wasn't allowed to bother him. But of course, since 5 years old palang si Joy at makulit ito, she ignored him. 



He got up off his bed and opened the door. "Yes?"


"Kelan tayo maglalaro?" nakangiting tanong ng batang babae.


"Later," tipid na sagot naman ni Ren.


"But you said we could play together today!" reklamo ni Joy. She pouted her lips in frustration.


"No. May test kami sa Monday eh. Sorry."


Napabuntung-hininga si Joy. "Well, can I play in your room?"


Tinaasan naman siya ni Ren ng kilay. "Why?"


"Gusto ko."


"Fine." Pinapasok ni Ren si Joy. "Pero wag mo akong istorbohin ha?"


"Fine."



Ren went back to studying while Joy started playing with one of Ren's old toy cars. Ang hindi niya alam, yung hawak niya ngayon ay ang pinakafavorite ni Ren. She lifted it in the air, making it a flying car, but then, just as Joy was enjoying playing with it, bigla niya itong nahulog. She picked it up and saw that two of the wheels had fallen off.



"Whoops," bulong niya.


Napatingin si Ren kay Joy at kumunot ang noo nito. "Joy, anong ginawa mo sa kotse ko?!"


"S-Sorry, Kuya," sabi ni Joy at yumuko. "Di ko sinasadya."


"Akin na nga yan!" galit na sabi ni Ren sabay agaw ng kotse niya kay Joy. "Go play with something else!"



Tumango na lang si Joy bilang sagot. She looked around the room for something to play with, but she couldn't seem to find anything. Ilang sandali pa'y may nakita yung bata na pwedeng paglaruan.  She suddenly had an idea.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon