Chapter 33: Girlfriend

160 3 1
                                    

Chapter 31: Girlfriend



15-year-old Jhun Ren Sonoh was walking causually through the hallway at school, larga na nila. The teen noticed that as he passed by, some girls giggled and waved at him.



He just chuckled to himself and continued walking, sanay na siya sa mga ganyang eksena. Pano naman kasi, maraming nagkakagusto sa kanya kahit bata palang siya, even some seniors. Ang dahilan? Aside from his looks, marunong pa siyang maggitara, kilalang-kilala ang talento niya sa buong school nila. Tapos matalino pa ito, Section 2.



Pero kahit na marami ang nagkakagusto sa kanya, merong isang babaeng nagpapatibok ng puso niya. Siya si Rullanne Beniko. Ayon kay Ren, bukod raw kasi sa maganda na nga siya, mabait pa ito at matalino. Magaling pa ito sa badminton, laging nagchachampion ang team nila tuwing intrams pati na rin tuwing City Meet.



So when he first met her, he decided to make a move on her. Nung una, naging close sila. Then soon, Ren began to develop feelings for Rullanne. Sa katunayan, nagtapat na ito sa kanya at nililigawan na niya ito. Pero hanggang ngayon, hindi pa siya sinasagot. Pero dahil sa mahal ni Ren si Rullanne, he patiently waited.



Isang araw, nang lumabas si Ren sa classroom nila, nagulat siya nang makita niya si Rullanne sa labas, she was waiting for him to come out. Hindi kasi sila magkaklase, Section 1 si Rullanne habang Section 2 naman si Ren.



"Hey, let me carry those for you," sabi niya sabay kuha sa mga librong buhat ni Rullanne. Ganito siya manligaw, he does things for her a lot. Kahit na ayaw ni Rullanne ay ipipilit ito ni Ren na pagsilbihan ang nililigawan.


Ngumiti naman yung babae sa kanya. "Thanks."



Just then, biglang sumulpot ang dalawa pang kaibigan ni Ren.



"Bakit?" tanong ni Ren sa kanila.


"Awww, aren't you two cute?" pang-aasar ng isa.


"Oo nga. Ayiieeeee!"


Tinaasan sila ng kilay ni Ren. "What are you talking about?"


"Ayiieeeee. Uyyyy, sina Mr. at Mrs. Sonoh oh!" sigaw ng isa na nakangisi sa kanila." Ren, is your girlfriend so weak that you have to do everything for her?"


"Jhun Ren and Rullanne sitting in a tree, k-i-s-s-i-n-g!" kanta ng isa.


"Stop it!" naiiritang sigaw ni Ren.


"First comes love, then comes marriage, then comes Jhun Ren with the baby carriage!" papatuloy ng dalawa.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon