Chapter 32: Bubba's Baby Sibling

149 3 0
                                    

Chapter 32: Bubba's Baby Sibling



Three years later . . .



"Renato!" tawag ni Amita sa kanyang asawa. Si Renato naman, bumaba agad ito mula sa kwarto nila para salubungin yung asawa niya.



"Oh, bakit?" tanong ni Renato pagkatapos niyang halikan sa noo si Amita.

 

"Renato, I have some very exciting news!" nakangiting sabi ni Amita kay Renato.


"Ano yun?" tanong ulit ni Renato.


"I just went to the doctor's office today," sabi ni Amita. "Alam mo kung anong sinabi niya sakin?"


"What is it, Ami? Go on, tell me."



Ngumiti muna si Amita kay Renato. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila.



"Mom! Dad! I'm home!" sigaw ni Ren pagpasok niya sa bahay nila. Kagagaling niya lang sa school.


"Ren, great timing," sabi ni Amita.


"Ha? Ano yun?" tanong ni Ren sabay lapag sa upuan ang bag niya. "Anong meron, Mom? Dad?" Palipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang niya.


"Oo nga, Ami," sabi ni Renato. "Anong ibabalita mo samin? Sige na, sabihin mo na samin kung ano yun."


"Renato, Ren, guess what, we're going to have another baby!"



Parehong nanlaki ang mga mata nila Renato at Ren sa gulat sa sinabi ni Amita sa kanila. Magkakaroon na naman ng bagong miyembro ang mga Sonoh.



"Talaga, Ami? Magkakaroon na naman tayo ng baby?"


"A-Ano?" tanong ni Ren, halatang nagulat siya sa binalita ng Mommy niya.


"Buntis ulit si Mommy mo, Ren. Ibig sabihin nun, magkakaroon ka na ng kapatid. Magiging Kuya Ren ka na talaga," nakangiting sabi ni Renato.



Ganun na lang ang sinabi ni Renato kasi Kuya Ren na siya dati nung pinanganak si Joy. Pero ngayon, magiging Kuya Ren na talaga siya dahil magkakaroon na siya ng totoong kapatid, yung kapatid na kadugo niya talaga.



"Talaga? Wow! That's great, Mom!" sabi ni Ren sabay ngiti sa Mommy niya. "Magiging Kuya na talaga ako."


"Amita, honey, that's wonderful!" sabi naman ni Renato sabay yakap kay Amita.


Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon