CHAPTER 1: VALERINA ROMAN

68 8 19
                                    


Valerina's POV


"Val, gising na anak"

Namulat ako ng marinig ko ang boses ng nanay ko kasabay ng pagtapik niya sa aking kaliwang braso.

Mabigat man sa loob ko pero umangat at umupo na ako sa manipis na banig na hinihigaan ko.

Muli akong natauhan. Panibagong araw na naman. Panibagong araw sa eskwelahan. Panibagong araw na puno na naman ng kalungkutan.

Kagigising ko pa lamang ngunit ninanais ko nang matapos ang araw na'to. Wala namang dapat ikatuwa sa panibagong araw ko. Kung hindi lang dahil kila mama, ay baka matagal na akong tumalon sa sapa na malapit dito at nagpakalunod.

"Nakahanda na ang almusal sa lamesa, kumilos ka na riyan at sabayan mo na kami ng papa mo rito" pag-aaya sa akin ni mama sa hapag-kainan.

Kumilos na ako at agad dumiretso sa banyo. Matapos maligo ay nagsipilyo ako, isinuot ang uniporme at nag-ayos ng buhok. Dali-dali akong tumuon sa kusina kung saan naghihintay sila mama at papa upang sabayan ako sa pag-almusal.

Tinabihan ko si mama sa hapag kainan at katapat ko naman si Papa, matamis ko na naman nasulyapan ang mga ngiti nila na siya ring nakapagbunga ng unang ngiti ko ngayong araw.

"Ganda talaga ng anak ko oh!" at inuto pa nga ako ng masilayan ang mga matatamis kong mga ngiti.

Mukhang hindi ko na talaga kailangan makita o makilala manlang ang mga tunay kong magulang dahil ang kasiyahan hinahangad ko sa buhay ko ay naibibigay na nila ng kumpleto.

Hindi ako tunay na anak nila mama at papa. Nadatnan lamang nila ako sa harap ng pintuan ng dati nilang tinitirhan nung ako ay sanggol pa. Nung panahon na iyon, hindi na nagdalawang isip ang mga magulang ko na kunin ako dahil ika na nila, hulog kuno ako ng langit.

Hirap kasi silang makabuo ng anak dahil may infertility problem si mama. Kung kaya't simula noon kinupkop ako bilang tunay nilang anak. Sila rin ang nagsabi na hindi sila ang nagpangalan sa akin kundi nakita lamang nila ang pangalang Valerina sa maliit na pendant na nakasabit sa telang suot-suot ko noon. Nasiyahan sila sa pangalan at napag desisyunang ituloy ang paggamit nito. Well, masaya na rin ako sa kung ano ang meron ako ngayon.

Napakasimple lamang ang buhay ko rito sa bahay. Hindi kami mayaman at nakatira lamang kami sa maliit na silid dito sa isang lumang gusaling pinagmamay-arian ng pamilya Escalante.

Malaki ang utang na loob namin sa pamilya na iyan lalo na ang haligi ng pamilya - si Mr. Ramon Escalante, na siya ring nagmamay-ari ng pribadong eskwelahang pinapasukan ko. Ginawa akong scholar ni Mr. Ramon dahil bukod sa hindi namin kaya ang edukasyon ay nakitaan pa niya ako ng potensyal sa sining, agham at matematika.

Bukod pa rito ay binigyan rin niya pareho ang aking mga magulang ng trabaho sa kumpanya nila.

Lubhang napakabait talaga ni Mr. Roman. Ni hindi manlang humihingi ng kapalit sa lahat ng mga kabaitang ibinibigay niya sa amin bukod sa makita niya akong nag-aaral ng mabuti. Libre na nga aking edukasyon at ang pagtira namin sa silid na ito, nagkakaroon pa ng ekstrang ipon sila mama at papa.

Busog akong tumayo sa mesa at agad akong nagpaalam kila mama at papa.

"Ma, Pa, una na po ako" banggit ko habang humahalik sa pisngi nila.

Lumabas na ako ng bahay.

Napahinga ako ng malalim.

Nag-iba na agad ang emosyon ko paglabas ko ng bahay. Para bang pumasok ako sa panibagong mundo. Parang napakalaki ng pinapasan ko sa bawat hakbang palayo ng bahay.

I Am ValerinaWhere stories live. Discover now