Moniqua's POV
Everything feels so normal.
Pinayagan ako ni Dad na tumira dito sa bahay. So parang normal lang din para sa akin ang lahat. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, walang pinagbago at naghahanda na para matulog.
Walang pasok ngayong araw kaya in-enjoy ko nalang ang sarili ko sa pagrerelax sa bathtub at pagkain ng mga masasarap na pagkain sa fridge. Gosh, I missed everything. I've never been so comfortable for the past few days!
Humiga na ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko agad ang messages ay nagtext kay Krist.
To: Krist
Salamat sa pagpapatuloy mo sakin sa bahay niyo ng ilang araw. Niyaya ako ni Mr. Ramon na tumira na ako sa bahay nila, tumanggi ako nung una kasi nakakahiya pero pinipilit niya ako kaya wala na akong nagawa at pumayag na ako. Huwag mo na akong alalahanin kasi ayos na ayos ako rito. Miss you.
Hindi rin nagtagal at tumunog rin agad ang cellphone ko.
From: Krist
Sino ka?
From: Krist
Val, ikaw ba yan? Bakit iba number mo
Napasapo ako ng noo sa gulat. Ang tanga ko naman! Buti na lang wala akong cellphone number sa phone ni Krist, ako lang ang meron sa kaniya. Kung nagkataon, sira na ang buhay ko.
To: Krist
Ako 'to si Val. New number, sorry. Save mo nalang, wait send ako ng picture ko pang-save sa contacts mo.
From: Krist
Hindi na kailangan, marami ako niyan hahaha. Btw, tawagan mo nalang ako kapag nagka-problema ka. Keep safe and good night, may klase pa bukas matulog ka na
To: Krist
Good night :)
I waited for an hour pero hindi na siya nagreply. Wala ba siyang pa 'i miss you too' o 'good night baby sleep well'? I know he's a sweet guy, baka napagod lang sya ngayong araw.
Umayos na ako ng higa at niyakap ang mga namiss kong unan bago makatulog.
-
Maaga akong nagising kaya maaga rin akong nakarating ng Mathison.
"Ano ba! Wala ka bang mata, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" napasigaw ako ng mabunggo ako ng isang babae pagpasok ko ng Mathison. Nagkalat pa ang mga hawak niyang papel sa sahig pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Sorry po," the girl in her college uniform said. Inirapan ko lang siya saka inapakan ang isang papel niya na nasa harap ko bago umalis. Ang aga-aga ang pangit ng bungad sa akin, nakakaimbyerna.
"Hey!" hindi pa ako nakakalayo nang may tumawag sa akin sa likuran. Inis akong humarap at nakita ko ang nakasalubong na kilay ng isang babaeng guro. Probably nasa 30's. Hindi ko siya kilala at baka bago lang siya rito sa Mathison.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya at padabog ko namang sinunod iyon. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"What kind of attitude is that?! Nakita kong hindi naman niya sinasadyang banggain ka pero sinigawan mo na? Nang-apak ka pa ng plates niya? She already said sorry now it's your turn, apologize to her," utos nitong teacher na 'to habang tinuturo ang college student kanina.