Valerina's POV
Maaga akong nakarating sa Mathison dahil sa pagmamadali sa akin ni Krist. Siya pa nga mismo ang nagsundo sa akin sa bahay para sabay kaming makarating dito.
"Tara na!" mahigpit akong hinawakan ni Krist sa kamay at hinila papunta sa Director's office. Sinabi na rin niya sa akin kanina na inireport na niya agad ang sinabi ko kay Mr. Ramon nung gabi mismong sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin.
Bigla akong nagdalawang-isip at natakot. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang sabihin ko 'yun? Hindi mawala sa pakiramdam ko ang kaba kahit ako ang naging biktima. Hindi rin mawala sa isipan ko ang mga maaring kahihitnanan ng mga ginagawa ko.
"Kanina pa tayo hinihintay ni Mr. Escalante kasama ang dalawang demonyo na 'yun" iritang sinabi ni Krist sa akin.
Nang makarating kami sa opisina ni Mr. Ramon ay agad din niyang binuksan ang pinto. Nakita ko kay Krist ang namumuong galit sa kaniyang mukha nang makitang nakatayo si Mr. Phum at Mr. Joaquil kaharap ng School Director.
"Umupo kayo" utos si Mr. Ramon sa aming dalawa.
"Ms. Roman, are you okay? And what are you accusing us?! Rape?!" mariing isinaad ni Mr. Phum sa mukha ko.
"Oo!" pagsisingit nito ni Krist. "Mga rapist kayo! Dapat sa inyo mabulok sa kulungan!" hindi niya napigilang mapatayo sa kinauupuan habang binibigyan ng matatalim na tingin sila Mr. Phum at Mr. Joaquil. Hinawakan ko agad ang mga kamay niya dahil baka hindi rin niya mapigilan ang sarili na dampian ng kamao ang dalawa.
"Are you sure with your allegations, Mr. Gonzales?!" tanong ni Mr. Roman. Agad naman akong tinignan ni Krist, senyas siguro na magsalita ako.
"Opo Mr. Roman! Tanungin niyo pa siya?!" malakas na sigaw nito at tinuro ako.
Pero hindi ako makapagsalita dahil tahimik na nakatingin sa akin si Mr. Phum, hindi ko nababasa kung ano ang meron sa mga seryoso niyang mata. Gayun din ang pagmamatiyag ni Mr. Joaquil.
Tinignan ko ang mga kamay ko at walang tigil sa panginginig ang mga ito. Pinagpapawisan na ako habang nakakaramdam ng takot at paninikip ng aking dibdib.
"Val, sabihin mo kung ano 'yung sinabi mo sa akin. Yung ikinwento mo, lahat." Umupo si Krist at hinawakan ang mga balikat ko.
"Val, magsalita ka!" bigla nalang akong niyugyog ni Krist pero hindi ko maibuka ang mga bibig ko.
Napatingin muli ako kay Mr. Phum at nanlaki ang mga mata ko nang may pinasilip siya mula sa bulsa niya. Nakita ko ang telepono ko, hindi man niya pinakita ng buo ay alam na alam ko ang itsura ng itim kong telepono. Wala na naman akong nagawa kundi balutan na naman ng takot at kaba. Mangiyak-iyak ako sa harapan ni Krist habang bakas sa mukha niya ang pagmamaka-awa.
Napatingin ang lahat sa pintuan nang biglang may pumasok, si Moniqua na may dala-dalang mga papel.
"Excuse me, here are the Math test papers Mr. Joaquil" lumapit siya kay Mr. Joaquil at iniabot ang mga sinasabi niyang test papers.
"What's going on here?" pagtatanong ni Moniqua at tinitigan kaming lahat.
"Ms. Roman is accusing us of what again? Rape?" sambit ni Mr. Joaquil at umiling.
"Rape?" napakunot si Moniqua ng noo nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Joaquil. "Parang sa ilang years na nakatayo 'tong school mo Dad ay ni isa wala tayong naging kaso ng rape. Where did you get that, Val?"
"She can't even tell us what is it about! We have no time for jokes, Ms. Roman" pagsisingit ni Mr. Phum sa usapan habang hindi parin nawawala ang matalim na tingin nito sa akin.