CHAPTER 12: HER LAST BREATH

16 3 13
                                    

Valerina's POV


"Nasaan ako?"


Minulat ko ang mga mata ko at napahawak agad sa sumasakit na parte ng ulo ko.

Sinubukan ko agad kumilos pero natigilan ako dahil nakatali pala ang parehong mga kamay at paa ko.

Kanina ay alam kong nasa tapat ako ng bahay ni Mr. Phum pero nang nilibot ko ang paningin ko, nasa madilim akong kwarto at halos mga walang mga bintana. Kulob pa ang masangsang na amoy at nakakasuka.

Nakaupo lang ako sa sahig dahil hindi ako makagalaw. Pinilit kong kinuha ang telepono sa bulsa ko kahit masakit sa kamay.

Pinagpipindot ko ang telepono pero hindi na gumagana! Black screen lang at may basag sa harapan, siguro sa pagkakabagsak nito kanina.

Tumutulo na ang mga pawis ko sa kaba at nakasuot parin ako ng black gown na ibinigay ni Lucy kanina. Sobrang init na at basang-basa na ako sa pawis.

Si...Lucy, nasaan na rin pala siya?

Napatigil ako nang bumukas ang pinto ang tumambad ang mga nakangiting mukha nila Belle, Janice, Angela, Madison at Claire. Napasilip ako sa likod at nakita si Lucy na kasama nila at hawak parin ang martilyo. Hindi sila nakasuot ng gown o kung ano man kahit Senior's Night na mamaya.

"Tulong!"

Sumigaw ako dahil sa takot habang papalapit sila akin.

Agad lumapit si Madison at binati ako ng isang malakas na sampal.

"Good evening honey" masayang bati nito.

Napadapa ako sa sahig at halos mahalikan ko na ang mga dumi rito. Tagatak na rin ang pawis ko at mga luha sa harapan nila.

"Pakiusap,...tigilan n-niyo na ako" mabagal na sabi ko at lumuhod sa harapan nilang anim. Mas kinakabahan ako dahil wala rito si Moniqua, totoo bang patay na siya?

Hindi ata nila narinig ang sinabi ko at agad hinila ni Janice ang buhok ko pataas at napatayo ako. Sinampal niya ako at itinulak kay Belle para sabunutan ulit ako. Iyak ako ng iyak dahil para ba akong laruan na pinagpasa-pasahan nila!

Hindi ko na kilala ang mga humihila sa buhok dahil lumalabo na ang paningin ko dahil sa iyak at sumasakit na rin ang ulo ko. Pinagpasa-pasahan nila ako habang nasusulyapan ko lang si Lucy na nakatayo sa gilid.

"Lucy...tulungan...mo...ako!", hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil pati ang suot kong damit ay pinagaagawan na nila. Lumakas ang hila ni Angela sa gilid at halos makita na ang damit ko panloob sa itaas.

Agad ulit akong napadapa. Hingal na hingal ako at sobrang hina na ng katawan ko. Hindi pa rin ako kumakain at tuyot na tuyot na ang lalamunan ko. Hindi ko na rin maidilat ng maayos ang mga mata ko.

Para akong basang sisiw sa sariling luha at pawis, ano bang gagawin ko? Hindi ko kaya, nagmamakaawa na ko sa lahat.

"Sorry Val, utos lang ni Val! HAHA!", nagtawanan sila sa sinabi ni Claire pero hindi ko naintindihan.

Napatingin ang lahat sa tumunog na telepono ni Claire, agad din niyang sinagot ang tawag.

"Yes, sure! Kami na ang bahala, Moniqua!" sambit nito sa kausap niya sa telepono. Nang matapos ang usapan, sinamaan niya ako ng tingin.

Habang ako rito ay malalim na nagbubuntong-hininga at init na init na sa lugar na ito.

"You know, Val", lumapit sa akin si Claire at hinawakan ang mga pisngi ko. "Breathing the same air with you really sucks, paawa effect ew, malandi ka na nga, mapagmataas ka pa!"

I Am ValerinaWhere stories live. Discover now