A/N: *Ang lahat ng mga sinaasaad ko at ang mga isyung aking isinalaysay ay pawang kathang-isip lamang at huwag kailanman ikumpara sa tunay ba buhay*
******************************************
Valerina's POV
Nangyari na nga ang pinakakinakatakutan ko.
Nakatulala ako ngayon sa kalangitan. Isang araw matapos ang trahedyang nangyari kila mama at papa.
Napapikit na lamang ako sa madilim na gabi habang nasa labas ng bahay at hawak ang litrato ng mga magulang ko. Humihiling sa mga bituing alam kong mga saksi sa mga problema ko sa buhay.
Bakit? Nagsusumamo ako sa itaas, hindi ko na talaga kayang mabuhay. Ang hira-hirap huminga sa mundong ganito ang mga nararanasan ko. Binaba ko ang tingin ko at humarap sa loob ng bahay.
Mag-isa na lamang ako sa bahay na ito. May rason pa ba para magmadali akong umuwi lagi rito? May rason pa ba para magpatuloy ako sa buhay? Dahil ang sakit! Ang sakit-sakit at ang bigat-bigat sa kalooban. Utang ko ang buong buhay ko sa kanila dahil sila ang nagpalaki sa akin na maging isang mabuting anak.
Maluwag sa loob akong tinulungan ni Mr. Ramon para mailibing rin agad ang mga magulang ko kanina dahil hindi ko rin gugustuhing paglamayan pa sila ng mga tao. Baka sa ganoong paraan daw ay mabilis kong makalimutan ang nangyari at tanggapin na lamang ang malagim na kinahinatnan nila. Niyaya pa nga rin ako ni Mr. Ramon na roon na ako manirahan sa bahay nila dahil ako na lang ang mag-isa ngunit mariin kong tinanggihan iyon. Bukod sa hindi ko kayang manirahan kasama si Moniqua sa iisang bubong, hindi ko rin kayang iwanan ang bahay namin na punong-puno ng bunga ng kasiyahan.
Namatay ang mga magulang ko nang hindi ko nalalaman ang dahilan. Tinulungan na rin ako ng mga pulisya upang simulan ang pag-iimbestiga kahapon din mismo ukol sa nangyari ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan.
Napaiyak na lamang ako sa pagdadalamhati at niyakap ng mahigpit ang litrato ng mga magulang ko. Simula ngayon, wala na ang mga presensya nila at tanging ang mga alaala at pangaral na lang ang maaring kong gamitin para mabuhay pa.
Napayuko na lamang ako at muling pumasok sa bahay para magpahinga.
**
Moniqua's POV
"Moniqua, matulog ka na"
Saad ni papa saka isinara ang pinto ng kwarto ko. Kanina pa ako pinapatulog ni Dad dahil ala-una na ng gabi. Pero hindi ko siya pinapakinggan dahil abala pa ako kausapin ang mga kaibigan ko online sa laptop.
The Queen Bees (Group Chat)
Belle: Val's parents are dead. How pity, isn't it?
Madison: Still can't believe ghad! Her poor foster parents are now gone, buti nga sa kaniya.
Janice: Wala na siyang lakas panlaban sa atin for sure she'll be more scared of us?
Claire: Sounds Cool! Haha! Well she totally deserves it, matapos niyang landi-landiin si Krist at magpaawa as a "rape victim". Kadiri siya.
Me: Agree, serves her right, didn't expect na papaburan tayo ng tadhana sa mga gusto nating mangyari ha HAHA. But don't worry guys, I'll make sure na makukuha ko rin si Krist from her because he's mine.