Veronica's POV
"Dito na ba iyon?"
Huminto ang sasakyan ni New sa tapat ng isang bahay. Pagka-park niya sa gilid ay bumaba na kami pareho.
"Yes. Dito ko inuwi si Valerina noong nakaraan kaya sigurado akong dito ang bahay niya." Nilibot ko ang paningin ko sa isang lumang gusali, sa baba niya ang parang apartment na siguro ay dito sila Valerina nakatira.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib na ganitong buhay pala ang meron siya. Samantalang ako nalulunod sa perang paniguradong sa taong bayan nanggaling dahil parehong nasa gobyerno ang mga kumupkop sa akin.
Lumapit ako sa gate at sumalubong ang kilay ko dahil hindi naka-lock. "Bukas?"
"Malamang, kaya mo nga nabuksan e," pang-aasar pa ni New sa likuran ko.
Hanggang ngayon ang bigat parin sa puso na mawalan ng kapatid. Kahit hindi man kami nagkasama, alam ko sa sarili ko na kailangan niya ako sa buhay niya. Siya lang ang akala kong makakapitan ko sa buhay, pero kinailangan ko pang masaksihan lahat ng mga nangyari sa kaniya. Those bastards, napapakuyom ako ng kamao maisip ko lang ang mga babaeng 'yon.
"Hindi ba tayo papasukan ng trespassing dito?" tanong ni New pero sumunod nalang siya sa akin ng dumiretso ako papasok.
"Wala namang tao sa paligid," tumingin-tingin ako sa mga katabing bahay. "Wala namang nakakakita, bilisan nalang natin."
Balak ko lang mas kilalanin ang kapatid ko kaya kami nandito. Kung paano ang naging buhay niya, kung malayong-malayo ba sa buhay na naranasan ko.
Hindi rin naka-lock ang pinto kaya nakapasok kami. Ang liit lang ng espasyo sa bahay mukhang hindi sila marami na nakatira rito. Isang tingin mo palang, makikita mo na ang sala, higaan at kusina.
"Siya lang mag-isa ang anak," inabot sa akin ni New ang picture frame na kinuha niya sa katabing cabinet. Nakita ko ang siguro ay Junior High School Graduation picture ni Val sa stage yakap-yakap ang tatay at nanay niya. Hinawakan ko ang mukha niya, ang laki-laki ng ngiti. Pinunasan ko ang frame nang may tumulong luha rito, kita ko sa mga mukha niya ang lubos na kasiyahan. Parang ang saya-saya niya sa pamilya niya, nakaramdam ako ng inggit.
I smiled as I saw her other pictures on the cabinets, lagi niyang kasama ang nanay at tatay niya. Ganoon na lang talaga siya kasaya, hindi ko alam pero nahahawa ako sa mga ngiti niya. Pero nakakaramdam ng kirot kapag naaalala ko ang mga nangyari sa kaniya. Why? Why her? She doesn't deserve this.
"Where are her parents?" I asked New while he's also looking around the house.
"Gone," napakunot ako sa narinig ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Gone? What do you mean 'gone'?"
Nilapag niya ang hawak niyang frame sa cabinet saka humarap sa akin ng seryoso ang mukha. "They're dead."
Parang natigilan ako huminga sa narinig ko. Nagulat ako at napahawak sa cabinet, biglang nanghina ang mga buto ko at baka matumba pa ako ng wala sa oras.
"Dead?! Seriously? P-Paano?!" bumalik ang tingin ko sa picture frame kanina at naghahabol ng hininga. Patay na sila? Kagaya ni Val? Hindi...hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nabalitaan ko! Lumabas ako ng bahay para suminghap ng preskong hangin.
Napatakip ako ng bibig at hindi ko namalayang tumutulo na pala ulit ang mga luha ko dahil sa awa. Hindi ko alam ang nangyari pero bakit ang lungkot ko? Bakit nararamdaman ko ang lungkot ng kapatid ko? Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling pero ang bigat-bigat ng puso ko ngayon. I heaved a sigh before wiping my tears. I feel sorry for Val, now that she's finally at peace, sana masaya siyang makasama ang mga magulang niya kung nasaan man siya ngayon.