Valerina's POV
Nilayasan ko kaagad ang quiz bee room para habulin si Lucy. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko rin inaasahan na makakakita ako ng ganung ugali ng kaibigan ko.
Dumiretso agad ako sa 11/A, nagbabaka-sakaling doon siya unang nagtungo. Pero hindi ko siya nakita at nadatnan ko lamang ang magulong klase.
Umalis agad ako papalayo para ipagpatuloy ang paghahanap ko sa kaniya pero napahinto ako sa sandaling may tumawag ng pangalan ko.
"Val!" tinignan ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Janice na nasa pintuan.
"Pinapatawag ka ng School Director" muli niyang sinabi bago bumalik sa loob ng classroom.
Nangatal ang mga buto ko at hindi ako agad makakilos. Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko.
Pero siguro baka makita ko rin agad si Lucy mamaya sa klase at sabayan ko na lamang sa uwian. Napagdesisyunan kong tumungo kay Mr. Ramon, ang School Director na nagpapaaral sa akin dito sa Mathison.
Pagkarating ko sa office niya ay kumatok ako. Nang makarinig ako ng senyas na maaring pumasok, binuksan ko na agad ang pinto at nakita ko si Moniqua na nakaupo sa tabi ng Director.
"Dad, ayan na siya" sambit nito kay Mr. Ramon na may paakap pa at sa nakikita ko ay may pagpunas pa ng mga luha.
"Good morning Po, Mr. Ramon" mahinahon na bati ko sa kaniya.
"Umupo ka" seryoso niyang utos sa akin.
Nakita ko pang may pahimas-pahimas ng ulo si Moniqua sa sugat niya. Nakikita ko rin sa kaniya ang pagpepeke niya ng emosyon para magmukhang nakakaawa.
"Saan mo nakuha yang sugat mo?" biglang pagturo nito sa band-aid na nakadikit sa sugat ko sa ulo. Muli akong napatingin kay Moniqua ngunit napansin ko lamang ang pagtaas niya ng kanang kilay.
"N-nadapa lang po" Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Naiinis ako sa sarili ko kasi napakahina ng loob ko.
"Nabanggit sa akin ni Moniqua na hinampas mo raw siya ng bato kaya nagkaganyan ang ulo niya" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, bato? Kelan ko pa siya hinampas ng bato? At sa pagkakakita ko ay napakaliit lang ng sugat niya pero malaki ang band-aid na nakatapal dito.
"P-Po?" pag-uutal ko saka binigyan si Moniqua ng nakapagtatakang tingin. Hindi ko alam kung ano na naman ang problema niya.
"Wala po akong hinahampas na bato Mr. Roman sa kaniya, wala...h-hindi ko po alam mga sinasabi niya! Sa katunayan nga po..." napatigil ako nang biglang sumingit si Moniqua.
"Eh ano 'to?, at hindi mo lang ako tinamaan ng bato.." mahinahon niyang sinabi. Biglang niyang inilabas ang selpon niya at pinanood sa akin ang video clip na kuha ng mga kaibigan niya sa cr kahapon. Kasabay rin nito ang paghikbi niya sa mga luhang hindi ko naman makita.
Nakita ko ang sarili ko sa video na nasa ibabaw ni Moniqua at binibigyan ko ng mga sampal. Alam kong hindi ito ang buong video at putol itong clip na nasa harapan ko.
"See dad? Akala ko ambait bait niya kasi kaibigan ang turing ko sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit niya 'yan ginawa" pagsisinungaling nito at umiiyak katabi ang ama. Nagkalat rin ang mga gamit niyang tissue sa office table na halata namang sinasayang lang niya.
Tinignan ako ng seryoso ni Mr. Ramon. Napapunas ako sa mga mata ko dahil sa hindi inaasahang pagtulo ng mga luha ko. "Sir!" bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.
"Wala pong katotohanan sa mga sinasabi ng anak niyo!" napalakas ang boses ko dahil nababaliktad para sa akin ang sitwasyon.
"Ms. Valerina, you are a scholar here. Dapat ikaw ang nagsisilbi ring role model sa mga estudtante rito. Andiyan na ang ebidensya sa harapan mo, you can't deny it" mahinahon na sambit ni Mr. Ramon sa akin.