Valerina's POV
"Ayos ka lang?"
Nagtatakang tanong sa akin ni Lucy. Sa totoo lang, hindi. Hindi ako maayos. Sino bang matinong tao ang makukulong sa ganitong reyalidad? Ni hindi manlang ako makasumbong.
"Canteen tayo" bigla kong yaya sa kaniya. Tutal katatapos lang din ng klase ni Mr. Joaquil.
"Sagutin mo muna tanong ko Val, anong nangyare sayo? Tsaka ano yang nasa ulo mo? Nagkasugat ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Lucy sa akin.
"K-kasi.." Hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Krist.
"Anong nangyari sayo? Kanina pa kita inaantay? Tsaka sino ba 'yang teacher na nag-utos sayo ha bakit napakatagal" ramdam ko ang inis sa mga sinasabi ni Krist. Wala na naman akong magawa kundi pagpawisan.
"Nadapa lang ako kanina diyan sa court kasi sa pagmamadali ko tapusin 'yung utos ni Mr. Phum" dahilan ko na wala naman talagang katotohanan.
Napatigil na naman ako ng lumapit sa amin si Moniqua. "Omg, Val what happened to your head?"
Hindi ba titigil 'tong babaeng 'to. Hanggang kailan ba niya ako tatratuhin ng ganito? Hanggat nakikinabang ako sa kanila?
"Ms. Moniqua Escalante tara na! Nagugutom nako!! What do we eat?" sigaw sa kaniya ni Madison na kanina pa nag-aaya sa kanila para kumain.
"Wait, curious pa ako kung ano nangyari kay Val. Ano ba nangyari sa ulo mo? Can I touch it?" Sabay turo niya sa ulo kung saan ako may sugat. Pero bago pa man niya hawakan ung ulo ko ay nahampas ko palayo ang kaniyang kamay.
Hindi ko na matiis ang sarili ko. Nakita ko ang pagbago sa mukha ni Moniqua pati na rin ang mga kaibigan niya.
Pero biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Moniqua at bigla ulit ngumiti.
"Ganiyan ba trato sa concerned friend? By the way guys, let's go to the cafeteria kumain na tayo. Sama na kayo Krist, Lucy and Val. I'm in a good mood so it's my treat!" tuwang-tuwa na sambit niya na may halo pang papalakpak.
"Krist, wanna come?" pag-aaya nito kay Krist na may halong paghaplos sa balikat nito.
"G!" sigaw ni Krist at agad namang tumayo. Sumunod naman si Lucy at nahuli ako.
Papunta na kaming lahat sa cafeteria. Ako, si Krist, si Lucy, si Moniqua at ang lima pa niyang kasama.
"Tara dito na tayo!" sigaw ni Belle sa amin.
Umupo kami sa mahabang upuan dito sa cafeteria. Tinabihan ako ni Lucy at tinapatan naman ako ni Krist. Maya-maya pa ay tumabi si Moniqua kay Krist at nginitian ng napakalaki.
"What do you want?" masayang tanong nito kay Krist.
Ngunit tumingin ito sa akin. "Ikaw Val, ano gusto mo?"
"A-ako? Masaya na ako sa pritong itlog na may adobong sitaw, 'yun naman madalas ang kinakain ko" pagkasabi ko ay biglang nagtawanan ang mga kaibigan ni Moniqua habang marahas itong nakatingin sa akin.
"Mukhang masarap, 'yun na rin akin" nakangiting sabi nito kay Moniqua at ngumiti rin siya. "Bibilisan ko lang kasi may basketball practice pa ako mamaya"
Nakangising tapos ni Krist sa usapan. Tumango si Moniqua at ibinaling ang atensyon sa taong katabi ko.
"Lucy, here's the orders! Go get them!" at inabot ni Janice ang papel kung saan nakalista ang mga kakainin nila.
Unang beses ko rito sa cafeteria na 'to kasi hindi kaya ng allowance ko ang mga pagkain dito. Doon ako madalas sa kabilang building kumakain dahil mura ang mga bilihin at naroon din karamihan ang mga scholars.