Desiree's POV
"Goodmorning Pangit!" bungad agad sakin ni Tristan.
"Pangit na nga umaga ko pangit pa makakasalubong ko!" tinarayan ko sya bago lampasan.
Ayaw kong makipag satsatan sa kanya, bad mood ako ngayon kaya wag nya akong guguluhin.
*Buzzer's Ringing*
First Class ko is Filipino which is kaklase ko si Tristan. Pero dahil favorite ko ang subject na yun and that's because our language papasok ako.
"Goodmorning Ma'am" sabay sabay naming bati.
Nagpalinga-linga ako at hinahanap ko si Tristan.
"Are you looking for me?" ngiti nyang sabi.
Akala ko pa naman hindi sya papasok, sirang-sira na talaga ang araw ko. At ang nakakabad-trip pa nito! Katabi ko sya!
Pwede naman kasing alphabetical bat yung pattern pa na babae tapos sa sunod na upuan ay lalaki, bat yun pa ang sinunod.
"Hindi ikaw ang hinahanap ko tsaka wag ka nga mag english Filipino subject tayo ngayon!"
Medyo napalakas ang boses ko kaya napakinggan ni Ma'am.
"Do you have something to say Ms. Mendoza?" malumanay nyang sabi.
Kahit pala Filipino teacher nag eenglish rin sa klase nya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.
"Nothing Ma'am" tumango lang sya bilang sagot.
Tiningnan ko si Tristan na ngayon ay tawang tawa habang nakatingin sakin.
"Ble napagalitan!" binelatan pa nya ako.
Tinarayan ko nalang sya at nakinig nalang.
Habang nag kla-klase, napatingin ako kay Tristan habang seryoso ding nakikinig.
"Don't stare at me" napaiwas agad ako ng tingin ng sabihin nya yun.
Hala may mata ba sya sa gilid? Sabagay kita naman yun sa peripheral vision nya.
"Meron kayong activity and this is by partner. So ang magiging partner nyo ay ang mga katabi nyo"
Auto tingin ako kay Tristan.
"What?" sarcastic kong tanong.
Pano kasi nakatingin sakin habang nakangisi.
"Pano ba yan magka-partner tayo" ngisi nyang sabi.
Kung pwede lang talaga umangal, aangal na ako.
"Mag gagawa kayo ng nobela about sa buhay nyo, don't worry isa-isa kayong gagawa pero tulungan lang kayo kaya by partner" nagsitanguan lang ang mga kaklase ko "Is that clear?".
"Yes ma'am" pag-sangayon ng mga kaklase ko habang ako tahimik lang.
"Okay class dismiss" medyo mahaba pa ang time kaya matutulog muna ako.
12 na ako nakatulog at 4:30 ako nagising. Pinuyat ako nitong bwisit na lalaking 'to, tumawag ba naman ng tumawag sakin tapos nung in-off ko yung cellphone ko pumunta naman samin at nang-gigising. Tapos kaninang umaga ginising agad ako ni mama kasi wala daw mang-gigising sakin maaga daw silang aalis.
So ayun! Puyat.
"Oy bawal matulog" bulong nya sakin.
Shit tindigan ang balahibo ko!
"Ano ba problema mo?!matapos mo akong puyatin kagabi hindi mo ako jojowain!" napahawak bigla ako sa bibig ko.
Nagtilian ang mga kaklase ko habang ako pulang pula na sa hiya.

YOU ARE READING
Enemy turns to Lovers(Book 1)-on going
RastgeleDesiree is not a showy type of girl. What if the troubled man came to his quiet world? and what if the man who made her happy also came? who will he choose between the two? Date Started: July 21, 2020 Date Finished:-- -- ----