C H A P T E R E I G H T E E N

1.3K 26 1
                                    

🌞🌞🌞

Once upon a Summer

🌞🌞🌞

HIS COLLEAGUE


Mabilis na tinalikuran ni Mia si Jaden at kanina pa kumakabog ng mabilis ang puso niya. Tinatawag siya ni Jaden ngunit hindi na siya nag-abalang lingunin pa ito, napahawak siya sa kanyang dibdib at doon nga niya natagpuan ang pusong kanina pa nagwawala.



God damn it, Mia. You can't...



Her heart raced fast when Jaden hugged her from behind, she can still hear her heartbeat at kinakabahan itong baka mapansin ni Jaden. Nanginginig man ang mga kamay niya'y naglakas loob itong tanggalin ang mga brasong nakayakap sakanya.



"Why do you always removed my arms around yours?" may halong pagtatampo sa boses ni Jaden.



Mia heaved a soft sigh as she tried to control herself because any moment now, baka atakehin na siya sa puso dahil sa labis na kasiyahan.



Kung alam mo lang, Kapre. Kanina pa nag-aalburuto itong puso ko dahil sa'yo. Gustong-gusto ko ang mga yakap mo pero ayaw kong masanay ako sa mga bagay na alam kong hindi naman permanenteng akin.



With that thought, Mia's face saddened at agad namang napansin ito ni jaden. "Hey what's wrong? May masakit ba sa'yo? Did I do something wrong?"sunod-sunod na taning ni Jaden.



Wala pa namang masakit sa akin, Kapre. Saka na siguro ako ulit makakaramdam ng sakit 'pag nagpaalam na tayo sa isat-isa.

.
"You're making me nervous, Sapphire Mia. Tell me what's going on, fuck!" nagulat si Mia sa biglaang pagmura ni Jaden at napapailing nalang siya rito.



"You curse too much, Kapre." Maikling sagot ni Mia. Jaden smirked as he held her hand and kissed them passionately.



"Sorry but I won't promise that I won't curse again, pagdating sa'yo nagiging curse machine ako." Jaden said with a playful smile.



"Ginawa mo pa talaga akong palusot mo eh, noh? Bitawan mo na nga ako, ang chessy mong Kapre ka, yucks...eww!" tumalikod na agad si Mia upang itago ang namumulang mukha nito at lihim siyang napangiti rito.



"Liar, kinikilig ka naman sa'kin." Jaden teased her at mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad.



Tang ina naman kasi Mia, ang rupok mo.



Mia was busy debating with her thoughts when she bumped into someone. Pag-angat nito ng tingin ay nasilayan niya ang isang magandang babae. The lady was stunningly beautiful with a fierce look and she felt a bit awkward dahil bahagya nitong nabasa ang damit ng babe.



"Sorry about your dress." Hinging paumanhin ni Mia sa babae ngunit nananatiling walang reaksyon ang babae. The lady was holding a glass of white wine and she's a bit taller than her.



"That's not the way back in our..." biglang sumulpot si Jaden sa kanyang likuran at mukha itong natigilan. "Hotel..." pagpapatuloy ni Jaden at halos bumulong na ito sa hina ng boses niya. Napakurap si Mia at bahagyang nilingon si Jaden.



Jaden's playful face were gone at napalitan ito ng isang emosyong hindi niya mabasa. Palipat-lipat ng tingin si Mia kay Jaden at sa babaeng nakabangga niya at mukha silang nagsusukatan ng tingin. She cleared her throath to lessen the tension between the two.



Once Upon A Summer Where stories live. Discover now