🚫 WARNING: This story has mature contents. Read at your own risks. 🚫
__________
"And there she goes, my angel with a shotgun." - Jax
"I will follow you even to the deepest depths of hell." - Akari
Synopsis:
Lingid sa kaalaman ni Jax at Akari na an...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagkatapos kaming sermonan ni Ms. dela Paz sa faculty room ng halos isang oras, pinapunta niya na kami sa Guidance Office.
Quota na talaga ako ngayong araw. Sangkaterbang sermon na ang inabot namin kay Ma'am tapos may round two pa pala sa guidance. Sige lang, Akari, ginusto mo namang makipag-away e.
Napagalitan din ako dahil sa announcement na ginawa ko sa broadcasting room. Ang unfair lang dahil ako ang sinabon nila samantalang nag-announce din naman doon si Jax.
So ang suma total, suspended kami ni Jenny for a week.
Sinabihan na rin 'yung guardian namin na pumunta ng school to inform them what we did and the consequences of our actions. Pero nagsasayang lang sila ng oras dahil wala namang pupuntang guardian sa akin. Asa namang pumunta si Chichiue. Mag-snow muna sa planet Mercury bago mangyari 'yun.
"Aniue..." Hindi makapaniwalang tawag ko kay Kaito. "Nande koko ni imasu ka?" (Aniue... Nande koko ni imasu ka? — Older brother... Why are you here?)
Hindi ko inexpect na pupunta siya. Sa totoo lang ay mas inexpect ko pang si Manong Alfred ang pupunta dahil siya ang lagi kong kasama.
He patted me on my head. "Tumawag si Manong Alfred sa bahay at sinabihan ako ni Uncle na pumunta rito."
"Is he mad?" Nag-aalangan kong tanong.
Natatangahan na siguro siya sa akin dahil obvious naman ang sagot sa tanong ko. Si Chichiue pa ba na laging may nakahandang parusa sa tuwing may kasalanan ako?
"Obviously, yes, he is. Kaya i-expect mo na ang magiging parusa mo." A sympathetic smile formed on his lips.
"Kaito-san, Akari-san."
Napalingon kami sa papalapit na si Mayor Albert.
"Mayor, Kaito na lang po." Magalang na sabi ni Kaito. "Nandito po ako as guardian ni Akari. Baka kung ano po ang isipin ng mga tao kapag narinig nila tayo."
Napakamot sa ulo si Mayor. "Naku, pasensya na, nasanay kasi ako. Pasensya na rin kayo sa ginawa ng anak ko."
"Wala pong problema, Mayor. Pasensya na rin po kayo sa ginawa nitong kapatid ko."
Nagpaalam na kaming umalis at nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay si Manong Alfred sa amin.
Pagkauuwi namin sa bahay, I went straight to Chichiue's office para sabihin sa kanya na nakauwi na ako. And guess what, bukas ko pa raw malalaman ang parusa ko.