Jax's POV
"Gusto kong lumipat kayo ng ibang school, 'yung malayo sa anak ko." Sabi ni Yamamoto sa aming dalawa ni Grynn. Matalim ang tingin niya sa aming dalawa kaya masasabi kong hindi talaga siya nagbibiro.
Ang lakas naman ng loob niya na kausapin kami at dito pa talaga sa school. Nagsama pa siya ng mga alipores niya, e dalawa lang naman kami ni Grynn na kakausapin niya. Ano naman ang kayang gawin ng dalawang binata laban sa labing-apat na mga kalalakihang kasama niya?
"Ayoko. Bakit kami susunod sa Red Sun?" Mahinahon pero ramdam ang pagbabanta sa boses ni Grynn.
Simula pa lang naman ay wala ng inuurungang kahit na ano ang kaibigan ko. Patayan kung patayan ang labanan pero hindi ako papayag na gawin niya 'yun ngayon.
"Wala kang magagawa kung hindi ang sundin ako dahil kung hindi ninyo lalayuan si Akari, lalo lang siyang masasaktan dahil sa inyo."
Pagak na tumawa si Grynn at ginantihan niya rin ng masamang tingin si Yamamoto. "Bakit hindi 'yung anak mo ang ilipat mo?"
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko at palihim akong ngumisi dahil sa sinabi ni Grynn. Oo nga naman, may point nga naman siya. Bakit nga ba kami ang pinag-aadjust nitong si Yamamoto?
"Jen, tama na." Pinigilan ko na si Grynn dahil alam kong hindi talaga siya magpapatalo at baka lalo pang lumala ang gulo. Dalawa lang kami ngayon at wala kaming laban sa mga alipores ni Yamamoto.
Hindi kami prepared at ayokong gumawa ng iskandalo rito sa school.
"Ayoko." Matigas niyang sabi sa akin. Ang tigas talaga ng ulo ng ugok na 'to. Pabayaan ko siya dyang makipag-basag-ulo ng mag-isa e.
"Pero—" Ni hindi man lang niya ako pinatapos na magsalita dahil bumaling ulit siya kay Yamamoto, na matalim pa rin ang tingin sa amin hanggang ngayon.
"Alam mo, wala akong pakelam sa gusto mong mangyari. Do whatever you want, old man. I offered you a proposal pero kung ayaw mo talaga, e 'di wag mo. At kung hindi na talaga magbabago pa 'yang isip mo, mas lalong hindi kayo uurungan ng Black Moon." Tumalikod na si Grynn para lumabas ng silid pero hindi ako sumunod sa kanya. Nanatili lang ako sa pwesto ko.
"Sige, payag na kami." Diretsong sabi ko kay Yamamoto na nag-trigger lalo kay Grynn.
Sorry, bro, but I have to do this."Jax, what the hell in the world are you doing right now?" Sinamaan ako ni Grynn ng tingin at kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Handang-handa na siyang suntukin ako kapag hindi pa ako tumigil sa mga sinasabi ko kay Yamamoto.
"Paano ako makasisiguro na nagsasabi ka nga ng totoo?" Naghihinalang tanong ni Yamamoto. Sa bagay, kahit naman ako ay wala ring tiwala sa kanya.
"Pangako, lilipat kami next semester. Basta ipangako mo lang din na hindi mo sasaktan si Akari. Dahil kapag hindi ka tumupad sa usapan natin, ako mismo ang papatay sa'yo kahit ikaw pa ang tatay niya." Tinalikuran ko na siya saka diretsong lumabas ng silid.
Galit naman na nakasunod sa akin si Grynn at ramdam na ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin kahit nasa likod ko lang siya. Pinagtitinginan rin kami ngayon ng mga estudyanteng nasa hallway dahil na rin siguro sa itsura namin ngayon na hindi maipinta ang mukha.
Nakarating kaming dalawa sa rooftop ng College of Engineering building nang hindi nagpapansinan.
"Ano 'yun, Jax? Bakit ka pumayag sa sinabi niya ha?" Nanatili siyang kalmado pero halata ko naman sa itura ng mukha niya na malapit na ring sumabog ang fuse niya.
"Jen, wala namang masama kung pumayag ako 'di ba? Para sa ikatatahimik nating lahat at para hindi na rin lumala pa lalo ang gulo." Sinubukan ko ring maging kalmado lang dahil ayokong magsalubong ang galit namin.
Walang mangyayaring maganda at walang matatapos sa usapan namin kung pareho kaming galit.
"Ikatatahimik? Bakit, sigurado ka ba na tutupad sa usapan ang matandang 'yun? The fuck, Jax, hindi! Hindi niya tayo titigilan! Tsaka wala ngang masama sa sinabi mo! Ang kaso nga lang, kaya namimihasa ang matandang 'yun na maging ganoon ay dahil sa mga taong katulad mo na masyadong mabait!" Tinuturo niya sa akin ang hintuturo niya na lalong nakapagbibigay ng diin sa mga sinabi niya sa akin.
"Stop it, Grynn!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi 'to ang tamang oras para mag-away tayong dalawa!"
Medyo lumalala na rin ang tensyon sa pagitan naming dalawa, na kapag hindi na nakapagpigil pa ang isa ay tiyak na magkakasuntukan na kami rito sa rooftop. I think this is the first time na nangyari 'to sa amin, na hindi kami nagkasundo sa isang bagay.
"Grynn? You never called me Grynn." Kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya dahil tinawag ko siya sa unang pangalan niya. "Fine! If that's what you want, then so be it! Pero kapag pumalpak 'tong plano mo, ako mismo ang susugod sa hideout ng Red Sun para iligtas 'yang babae mo!"
Padabog siyang umalis ng rooftop. Samantalang ako ay nanatili pa ng ilang oras dito at hindi na ako pumasok pa sa mga susunod kong klase. Nawalan na ako ng gana 'cause I'm so damn mad and frustrated right now.
Why does it have to be like this?
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun
Romantizm🚫 WARNING: This story has mature contents. Read at your own risks. 🚫 __________ "And there she goes, my angel with a shotgun." - Jax "I will follow you even to the deepest depths of hell." - Akari Synopsis: Lingid sa kaalaman ni Jax at Akari na an...