Chapter 10.

152 15 53
                                    

It's day three of my suspension at ngayon pa lang ay parang gusto ko nang bumalik agad sa school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's day three of my suspension at ngayon pa lang ay parang gusto ko nang bumalik agad sa school.

"Nakikinig ka ba, Akari?" Pagtawag-pansin ni Kaito sa akin dahil nakatulala lang ako sa PowerPoint presentation na naka-project sa whiteboard.

"Sino naman 'yang si Damon Grey Adams?" Pag-iwas ko sa tanong niya sa akin dahil hindi naman talaga ako nakikinig sa mga sinasabi niya sa akin.

Ipinapaliwanag niya kasi sa akin ngayon kung sino-sino ang mga business partner ng Red Sun, I mean, illegal business partners pala.

Feeling ko tuloy ipapamana na sa akin ni Chichiue ang Red Sun. Pero 'wag naman sana. Ayoko talagang maging next leader ng isang gang.

Mas gusto ko lang talagang ipagpatuloy ang career ng napili kong course, which is computer engineering, sa isang private university.

"Siya ang leader ng Phoenix at siya ang target natin sa susunod. Kailangan natin siyang mapapayag na sa atin na siya kumuha ng mga firearms." Paliwanag niya.

"Hmm, okay. Kaya ninyo 'yan. Fighting!" Pagbibiro ko.

Natawa siya sa inasal ko. "Salamat. Sana nga mapapayag namin siya para malamangan na namin ang Black Moon sa black market."

"Sino ba 'yung Black Moon?" Tanong ko out of curiosity.

"Malalaman mo rin next time. Iisa-isahin ko rin sila sa'yo. Sa ngayon ay ito munang mga partners ng Red Sun at ang Phoenix. Basta may tattoo ang member ng Black Moon sa likod nila na moon and sakura. Kapag may nakita kang tao na may ganoong tattoo, umiwas ka agad."
(sakura — cherry blossom)

"Okay, noted. Si Chichiue nga pala, nasa office ba siya ngayon? I need to talk to him kasi e."

"Yes, nandoon siya sa office niya."

"Okay, thanks." Tumayo na ako at lumabas ng conference room pero pinigilan din agad ako ni Kaito sa braso ko.

"Teka, saan ka pupunta?" Pagtataka niya. "Hindi pa tayo tapos."

"Bukas na lang ulit natin ituloy, please?" Pagpapaawa ko.

"Hindi pwede."

"Bye." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tumakbo agad ako papalayo sa kanya.

Lumingon ako sa likuran ko pero walang Kaito na sumusunod sa akin kaya tumigil na ako sa pagtakbo ko. Naglakad na lang ako papunta sa office ni Chichiue.

Kinakabahan ako at sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Sana lang talaga ay malaman ko na ngayon ang katotohanan na matagal ko nang gustong malaman noon pa man.

"Chichiue?" Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan ng office niya. "Chotto ii desu ka?"
(Chichiue? Chotto ii desu ka? — Father? May I have a moment please?)

"Hai, douzo."
(Hai, douzo. — Yes, go ahead.)

Pumasok naman agad ako sa loob ng office niya pero nanatili lang ako sa may pintuan. May kung anong papeles siyang binabasa ngayon habang nakaupo siya sa office table niya.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon