Chapter 4.

212 42 109
                                    

Jax's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jax's POV

Umaga pa lang pero tirik na agad ang sikat ng araw kaya wala na akong ibang narinig sa bibig ni Grynn kung hindi puro mura at reklamo, na hindi naman daw ganitong kainit sa Cambridge, na bakit-ganito-bakit-ganyan, mura-dito-mura-doon, at marami pang iba.

Nagsalubong na ang mga kilay ko sa mga reklamong sinasabi niya tungkol sa paligid niya. Ang sakit na talaga sa tenga.

Pabiro ko siyang sinuntok sa kaliwang braso niya. "Shut the fuck up, Jen. Naririndi na ako sa'yo. Ang sakit mo sa tenga. Tsaka ang bakla mong pakinggan, promise."

Lalo pang sumimangot ang nakasimangot na niyang mukha at tinignan niya ako ng matalim. "Kung hindi lang naman dahil kay Naya, wala naman na akong balak pang bumalik sa napakainit na bansang 'to."

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa lalaking 'to. "Ang dami mong reklamo, e dito ka naman ipinanganak. Lumipat lang naman kayo sa England para doon ka mag-aral. Tsaka puro ka reklamo, e gumatos ka na ng bilyon para lang mabili mo 'yung lumang mansyon na 'yun."

Hayop din 'tong gagong 'to e. Pinahirapan niya akong hagilapin 'yung may-ari noong old-fashioned country style mansion para lang bilhin niya 'yun tapos ngayon, puro siya reklamo dyan.

"Ang dami-dami namang bahay dyan na maganda at bago tapos 'yun pa ang binili mo— aray! Bakit ka nambibigwas dyan?!" Singhal ko sa kanya dahil bigla-bigla niya na lang akong binigwasan sa sikmura.

"Itikom mo 'yang bibig mo. Binili ko 'yun para kay Naya, hindi para sa'yo. Palayasin kita dyan e, ewan ko na lang kung saan ka pulutin."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Tanga ka ba? E 'di malamang sa hacienda namin sa Palawan."

"Bago lang kayo rito?"

Napatigil kami ni Grynn sa paglalakad sa hallway at napatingin kami sa lalaking nagsalita na may hawak-hawak na bola ng basketball.

"Francis nga pala. Kiko na lang for short." Pakilala niya sa amin. "Anong course ninyo?"

"Aeronautical Engineering pero may back subject kami kaya nandito kami ngayon." Ako na ang sumagot dahil wala rin namang kwentang kausap si Grynn. Nakatayo lang siya sa tabi ko at walang pakelam.

"Calculus?" Tanong ni Kiko kaya tumango naman ako bilang sagot. "Pareho pala tayo e."

Bigla niyang ipinasa sa akin ang bola kaya wala na akong nagawa kung hindi ang makipaglaro sa kanya.

"Itai!" Sigaw noong magandang babae na natamaan ko ng bola sa ulo. Ang boplaks naman kasi magpasa ni Kiko e, 'yan tuloy.
(Itai! — Ouch!)

Lumapit agad ako doon sa babae. Tinignan ko kung napuruhan ba ang mala-anghel niyang mukha. "Sorry, miss. Hindi ko sinasadya."

Tinignan niya ako ng masama at may halong pagbabanta sa tingin niya. "Oi, shinitaino?"
(Oi, shinitaino? — Hey, do you wanna die?)

Ano raw?

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon