"Sugoi!" Ibinaba ko ang salamin ng bintana ng kotse ni Jax. Idinungaw ko ng kaunti ang ulo ko upang maramdaman ko ang sariwang hangin. "Amoy dagat 'yung hangin!"
(Sugoi! — Amazing!)Tanaw mula sa highway na dinadaanan namin ang dagat at kitang-kita rin ang papalubog na araw.
"Wow! Ang ganda ng sunset!" Kinikilig ako sa makapigil-hiningang tanawin na nakikita ko ngayon.
Tama lang talaga ang desisyon ko na magpunta kami ngayon ng Batangas. Hindi ako nagsisisi na naisip kong dito na lang kami sa beach pumunta ngayong Sabado.
Sinamantala ko lang talaga ang pagkakataon na wala si Chichiue sa bahay. Isang buwan siyang mawawala upang asikasuhin ang illegal businesses niya sa Japan.
"Saan ka pala nagpunta kanina?" Tanong sa akin ni Jax nang hindi niya inaalis ang tingin niya sa kalsada.
Umayos na ako ng upo. Hinayaan ko na lang na nakabukas ang bintana ng kotse niya para maramdaman ko pa rin ang sariwang hangin. "Sa Centennial Garden. Binisita ko 'yung puntod ni Hahaue."
Nagpasama na ako kanina kay Manong Alfred sa puntod ni Hahaue habang hinihintay kong matapos ang klase ni Jax dahil hanggang alas cuatro pa ang klase niya. At sakto ang dalawang oras na byahe namin mula Laguna papuntang Batangas dahil nasaksihan namin ang paglubog ng araw.
"'Yung mama mo siguro ang kamukha mo."
Napatingin ako sa kanya. "Paano mo nasabi?"
"Ang layo kasi ng itsura mo sa tatay mo e."
Paano niya naman kaya nasabi? E hindi pa naman niya nakikita si Chichiue?
"Nakita mo na ba si Chichiue?" Pagtataka ko.
"Huh? Hindi pa. Wala, feeling ko lang naman 'yun."
Tumango-tango na lang ako sa kanya kahit kahina-hinala ang inaakto niya ngayon. Bakit feeling ko ay nakita niya na si Chichiue?
"Hi, good evening." Magalang na pagbati ni Jax sa receptionist ng resort na pinuntahan namin. "Meron ba kayong cabin na may dalawang kwarto sana?"
Agad namang tinignan ng receptionist ang computer na nasa harapan niya at chineck ang request ni Jax. "Yes, sir, meron pa po."
"Sige, i-avail na namin."
"Okay, sir. Pwede pong malaman ang pangalan nila?"
"Jax Anthony Almodovar."
"Thank you, sir. Ito po ang susi." Inabot ng receptionist ang susi. Ibinigay niya rin sa amin ang directions papunta sa cabin na tutuluyan namin ngayong gabi.
Dumiretso agad ako sa veranda pagkapasok namin sa cabin. Tanaw mula sa kinatatayuan ko ngayon ang madilim na kalangitan na naliliwanagan ng mga bituin at ng buwan. Sobrang refreshing din sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun
Romance🚫 WARNING: This story has mature contents. Read at your own risks. 🚫 __________ "And there she goes, my angel with a shotgun." - Jax "I will follow you even to the deepest depths of hell." - Akari Synopsis: Lingid sa kaalaman ni Jax at Akari na an...