Chapter 24.

102 4 20
                                    

"Dito talaga? I hate you, Jax

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dito talaga? I hate you, Jax. I will surely kill you after this." Eksaherada mang pakinggan pero naiinis talaga ako sa kanya dahil Anchors Away ang gusto niyang sakyan na ride. Nagpati-anod na lang ako sa hila niya papunta sa pila.

"Masaya 'to, promise." He really looked so excited kaya ayoko namang ma-spoil ang moment niya dahil lang sa pagiging killjoy ko. "Doon tayo sa pinakadulo umupo."

Sinundan ko ng tingin ang daliri niyang nakaturo sa malaking barko. Hindi naman sa ayaw ko sa Anchors Away pero ayoko talagang sumakay doon. Para kasing magliliparan ang mga laman-loob ko kapag pababa na ang daloy ng barko. And I really hate that feeling.

Bumalik na ang tingin ko kay Jax na abot-tenga pa rin ang ngiti at parang kumikislap pa ang mga mata niya. Nakakakonsensya namang hindi sumama sa kanya sa Anchors Away.

"Putangina ka, Jax!" Tili ko. Nakapikit ng madiin ang mga mata ko at sobrang higpit ng kapit ko sa hawakang bakal na nasa tapat namin. "Tangina mo! Tangina mo talaga!"

"Whoah! I love you, Akari!" Tuwang-tuwa pa siyang sumisigaw sa tabi ko. "I love you talaga, to infinity and beyond!"

Hay nako, mapagkakamalan kami niyang mag-jowa sa isinisigaw niya e.

"I love you, I love you ka dyan." Inirapan ko siya. Nanginginig pa ang mga binti ko nang bumaba kami ng Anchors Away. Kumapit na lang ako sa braso ni Jax bilang suporta ko habang naglalakad kami.

"Ang saya kaya." Tatawa-tawa niyang sabi, halatang nang-aasar lang.

"Ewan sa'yo." Inirapan ko ulit siya.

"Sorry na." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ganito na lang, ikaw naman ang mag-decide kung anong ride ang sasakyan natin."

Hmm, mukhang alam ko na kung saan magandang bumawi sa kanya.

"Kadiri, ang baho ng tubig nila." Inamoy-amoy ni Jax ang suot niyang shirt. Kalalabas lang namin ng Rio Grande Rapids. Ito ang sunod naming pinuntahan dahil hindi masyadong heavy na rides.

"Malas mo lang dahil doon ka napatapat sa nabubuhusan ng tubig." Pang-aasar ko sa kanya. Nakabawi na ako ng lakas ko matapos ang Anchors Away. At nakabawi na rin ako sa kanya.

"May extra akong damit sa kotse. Palit muna tayo." Alok niya.

Naglakad na kami palabas ng Enchanted Kingdom. Kulang ang isang araw namin para masakyan ang lahat ng rides. Idagdag pang Linggo ngayon kaya maraming tao at ang hahaba pa ng pila sa bawat rides.

"Pili ka na lang ng gusto mong isuot." Inabot niya sa akin ang bag niya. 'Yun pa rin ang mga laman na damit nito noong nagpunta kami sa City Medic dati. "Ay, wait, may hoodie pala ako rito. Gusto mo 'yun na lang?"

"Paano ka?"

Maggagabi na kaya lumalamig na rin ang simoy ng hangin.

"Okay lang. Mas kailangan mo 'yun dahil naka-shorts ka lang." Hinanap niya sa bag niya ang hoodie na sinasabi niya.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon