Chapter 9.

149 15 62
                                        

"'Wag kang mag-pout

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"'Wag kang mag-pout. Baka hindi ako makapagpigil ng sarili ko."

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan ko dahil sa ibinulong ni Jax sa akin. How could he say that to me? Nakakakilabot.

Hinila ko ang buhok niya at iniyugyog ko ang ulo niya. "Siraulo ka. Gusto mong malagasan din ng buhok katulad ni Jenny?"

"Aw! Aray! Masakit! 'Wag mong yugyugin—aray!" Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa pagsabunot ko ng buhok niya.

"Good afternoon, ma'am, sir. Here are your orders." Nakangiting wika ng waiter sa amin.

Napatigil ako sa pagsabunot ko kay Jax at dahan-dahan kong binitawan ang buhok niya. Saka pa lang inilapag ng waiter sa table namin ang mga inorder naming pagkain.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao rito sa restaurant dahil sa ginawa kong pagsabunot kay Jax pero wala akong pakelam sa kanila. Bahala sila dyang magtsismisan tungkol sa amin.

Akala ko ay titigil na siya sa pang-aasar niya sa akin pero hindi pa pala dahil pinapanood niya akong kumain. Tangina. Hindi ko na-eenjoy ang pagkain ko at parang hindi pa ata ako matutunawan dahil sa kanya.

Inilapag ko sa mesa ang mga kubyertos na hawak ko. Nilunok ko muna ang pagkaing nginunguya ko at tinignan ko siya ng masama. "Stop it, please."

"Stop what?" Maang-maangan niya.

"'Yan..." Tinuro ko siya ng tinidor ko. "'Yang panonood mo habang kumakain ako. Nakakairita ka, alam mo 'yun? Tutusukin ko na ng tinidor 'yang mata mo e."

"Sorry, hindi na. Kakain na rin ako." He smiled. Ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya.

Umirap ako. "Stop showing me your dimples. Hindi ka cute."

Tumawa siya nang malakas. "E 'di inamin mo ring cute ako."

Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

Bigla ulit siyang lumapit sa akin at bumulong na naman siya sa tenga ko. "Stop showing me your lips 'cause I might kiss you again."

Tumawa na naman siya ng malakas bago pa ako makapag-react sa sinabi niya. Gago talaga siya kahit kailan! Nakakairita!

Hinampas ko siya ng malakas sa kaliwang braso niya at inulit-ulit ko pa ng maraming beses. "Hindi ka ba talaga titigil ha?"

"Aray, masakit!" Daing niya.

Tumigil na ako sa paghampas sa kanya nang makuntento na ako. "Tumigil ka na kasi."

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon