Chapter 19.

121 7 20
                                    

Kaito's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaito's POV

"Gin, tignan mo si Akari sa kwarto niya. Baka may ginawa na namang kalokohan ang batang 'yun habang wala ako." Utos ni Uncle pagkapasok namin sa office niya.

"Yes, boss." Yumuko si Gin bilang paggalang. Paalis na sana siya pero agad ko siyang hinawakan sa balikat niya para pigilan.

"Ako na lang." Pagprisinta ko. Lumabas agad ako ng office ni Uncle bago pa umangal si Gin sa akin.

Mabuti nang ako ang makahuli kay Akari kung sakali mang may ginawa nga siyang kalokohan dahil paniguradong mahihirapan na namang magdesisyon si Gin kung 'yung pagkakaibigan ba nila ni Akari ang dapat niyang piliin o 'yung loyalty niya ba kay Uncle ang dapat niyang unahin.

"Kaito-sama." Sabay-sabay na pagbati sa akin ng limang member ng Red Sun na nagbabantay sa labas ng kwarto ni Akari.

Nginitian ko lang sila saka ako pumasok sa loob ng kwarto. Bumungad agad sa akin ang tahimik at walang katao-tao na silid.

Pasaway na Akari. Saan na naman kaya pumunta ang batang 'yun?

Lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso agad ako sa office ni Uncle.

"Ano, may ginawa na naman ba siyang kalokohan?" Tanong agad ni Uncle sa akin pagbalik ko ng office niya. Tumingin din sa akin si Gin, na naghihintay din ng sagot ko at halatang nag-aalala siya kay Akari.

I put my hands inside my pocket. "Nothing. She doesn't wanna talk to anyone daw muna for the meantime."

Nagkatinginan na naman kami ni Gin. Mukhang alam niya nang nagsisinungaling lang ako at pinagtatakpan ko lang si Akari.

"May kailangan pa ba kayong ipagawa sa akin?" Tanong ko kay Uncle dahil hindi na siya nagsalita ulit. "May pupuntahan pa kasi ako."

"Wala na. Makakaalis na kayong dalawa ni Gin."

Sabay kaming yumuko ni Gin kay Uncle at sabay rin kaming lumabas ng office niya.

"Maiwan ka na rito sa bahay, Gin. Ako na lang ang maghahanap kay Akari para hindi tayo mapag-suspetyahan ng iba. Tawagan mo na lang ako kung may problema."

Tinanguan niya ako. "Sige, mag-iingat ka."

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa parking area. Sumakay agad ako sa kotse ko upang pumunta sa kanto ng village namin. Wala namang ibang dadaanan si Akari pauwi sa amin kung hindi doon lang.

Halos tatlong oras din akong naghintay sa loob ng kotse ko bago dumating si Akari na sakay ng isang kotse na member ng Black Moon ang may-ari. Anong ginagawa niya rito? At bakit magkasama sila ni Akari?

Lumabas agad ako ng kotse ko at naglakad ako, na nakakuyom ang mga kamao ko, papalapit sa kanilang dalawa.

"Akari!" Sigaw ko sa pangalan niya. Mukhang alam niya nang ako ang tumawag sa kanya.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon