🚫 WARNING: This story has mature contents. Read at your own risks. 🚫
__________
"And there she goes, my angel with a shotgun." - Jax
"I will follow you even to the deepest depths of hell." - Akari
Synopsis:
Lingid sa kaalaman ni Jax at Akari na an...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Akari's POV
"Ojousama, okite kudasai." Tinapik-tapik pa ng maid namin ang braso ko para masiguro niyang magigising talaga ako. Dahil kapag hindi ako gumising ngayon, magagalit sa kanya si Chichiue at sangkaterbang sermon ang aabutin niya. (Ojousama, okite kudasai. — Young lady, please wake up.) (Chichiue — Father)
"Urusai yo!" Padabog akong bumangon sa pagkakahiga ko at tinignan ko siya ng masama. (Urusai yo! — You're so noisy!)
She bowed to me in fear. "Moushiwake arimasen deshita, ojousama." (Moushiwake arimasen deshita, ojousama. — I sincerely apologize, young lady.)
Hay nako, wala nang magagawa 'yang sorry mo dahil naistorbo mo na ang tulog ko.
"Dete ike." Naiinis kong utos sa kanya. (Dete ike. — Get out.)
"Hai." Dali-dali naman siyang lumabas ng kwarto ko dahil sa takot. (Hai. — Yes.)
Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sa pagkairita ko. Sinabi nang 'wag na 'wag akong gigisingin ng maaga para lang mag-target shooting e! Kainis!
Simula ata nang magkaisip ako, wala na akong ginawa kung hindi ang magpractice ng target shooting. Gusto kasi ni Chichiue na maging sharp shooter ako. (Chichiue — Father)
Hindi niya lang alam na matagal na akong sharp shooter. Nananadya lang talaga ako na maging tanga kunwari tuwing may practice lagi.
Kapag nalaman niya kasi ang totoo, baka isama niya na ako sa illegal businesses niya or worst, baka ipamana niya na sa akin ang Red Sun na pinaka ayokong mangyari sa lahat.
I really just want to have a normal life. I just want to live peacefully in this fucked up world.
Nag-asikaso na ako, na labag naman sa loob ko dahil gusto ko pa talagang matulog. Hindi na ako nag-inarte pa dahil marami namang nagsasabi sa akin na mukha raw akong anghel, na hindi na raw kailangan pang magmake-up dahil natural na raw akong maganda.
Hindi lang nila alam na isa akong anghel na nagmula pa sa kailaliman ng impyerno. Ako ata ang nawawalang kamag-anak ni Lucifer e.
"Chichiue, I don't have time for that target shooting anymore. This is my last year in college kaya masyado na akong busy para sa mga ganyan-ganyan ninyo." Reklamo ko sa kanya pagkapasok ko pa lang ng dining area. Umupo na ako sa dining table at nagsimula na akong kumain ng almusal na inihanda ni Manang Carmen. (Chichiue — Father/Dad)
"Bakit?" Ibinaba ni Chichiue ang dyaryo na binabasa niya at seryoso siyang tumingin sa akin. "Sharp shooter ka na ba?"
Nakakainsulto man sa pandinig ko ang sinabi niya sa akin but yes, sharp shooter na ako. Pero hindi ko 'yun pwedeng sabihin sa kanya.
"Pero Chichiue—"
"Stop it." Seryoso niyang sabi sa akin kaya tumahimik naman ako. Baka mamaya ay dagdagan niya pa ang ipagagawa niya sa akin, imbes na target shooting lang.