Chapter 12.

157 14 27
                                    

"Ito," inabot sa akin ni Manang Carmen ang isang litrato, "'yung picture namin na kasama ang nanay mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ito," inabot sa akin ni Manang Carmen ang isang litrato, "'yung picture namin na kasama ang nanay mo."

Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Totoo ba 'to? Totoo ba talagang nangyayari 'to?

Dahan-dahan kong inabot ang litrato na hawak ni Manang. Kinakabahan ako, na masaya rin at the same time, dahil malalaman ko na rin sa wakas kung ano ang itsura ni Hahaue.

Pagkakuha ko ng litrato, tinignan ko ito agad at hindi ako makapaniwala sa nakita ko dahil halos walang ipinagbago ang itsura ni Manang Carmen at Manong Alfred.

Itinuro ni Manang ang batang lalaki na buhat-buhat ni Manong Alfred sa picture. "'Yan si Gin noong baby pa lang siya. 2 years old mahigit na siya dyan sa picture na 'yan."

Natawa ako dahil napaka-cute ni Gin noong bata pa lang siya. Hindi nga lang masyadong napapansin ngayon dahil laging seryoso ang mukha niya. But he looked so innocent with those round eyes, chubby cheeks, and fair skin.

"Manang, ikaw po 'tong naka-ponytail at si Manong Alfred naman po 'tong lalaking may hawak kay Gin. Sino naman po 'tong tatlo pa?" Itinuro ko isa-isa ang tatlo pang natitira na hindi ko naman kilala.

"'Yang dalawang tao sa likod ko, si Neil at si Grayce 'yan. Kasama sila sa mga inalis na trabahador noon. Ang huli kong balita sa kanila ay namatay na si Neil dahil sa stroke. Naulila niya si Grayce kasama ang dalawa nilang anak. At ito namang babae na may dalang bulaklak," itinuro niya ang babae na tinutukoy niya, "'yan si Annaisha, ang nanay mo. Kasalukuyan ka niyang ipinagbubuntis noong kinuhaan namin ang litrato na 'yan."

Tinignan kong mabuti ang babae na itinuro ni Manang. Napakaganda niya, maputi ang kutis, mahaba at tuwid ang brown na buhok, at mukhang nasa kanya naman ang lahat kaya hindi mo talaga aakalain na nagawa niyang tapusin ang sarili niyang buhay.

"Binisita namin dyan 'yung isa naming katrabaho sa ospital dahil nanganak din." Pagpapatuloy niya. "Tapos nagpacheck-up na rin si Annaisha sa OB-GYNE niya."

"Siya po ba talaga si Hahaue?" I just really can't believe to see her kahit sa picture lang. Akala ko ay kamamatayan ko na ang hindi alam ang itsura niya.

"Oo. Kamukhang-kamukha mo talaga siya." Bakas ang lungkot at pagsisimpatya sa mga mata ni Manang habang inaalala niya at ikinukwento niya sa akin ang nakaraan. "Kung bakit ba naman kasi ginawa niya 'yun e."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong umiyak at ganoon din si Manang. Nakakalungkot na wala akong kinagisnang ina. At napakasakit sa damdamin ang malamang sumakabilang-buhay na si Hahaue, lalo na't nagpakamatay pa siya.

Ang ina na siyang dapat na nag-aalaga sa akin, na siyang dapat na kasama ko at nasasabihan ko ng mga problema ko, na siyang dapat na tagapagtanggol ko, ay wala na at tanging sa litrato ko na lamang siya makikita.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon