🚫 WARNING: This story has mature contents. Read at your own risks. 🚫
__________
"And there she goes, my angel with a shotgun." - Jax
"I will follow you even to the deepest depths of hell." - Akari
Synopsis:
Lingid sa kaalaman ni Jax at Akari na an...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Akari's POV
Mukhang hobby pa rin talaga ni Jenny ang sirain ang araw ko dahil naka-flash ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.
Umirap ako, na halos tumirik na ang mga mata ko. Ano na naman ba ang kailangan niya?
[Why so bagal mong sagutin?]
Feel na feel ko sa boses niya ang pagka-irita at pagka-inip. Napakaarte niya talaga kahit kailan.
Umirap ulit ako dahil siya pa talaga ang demanding. "Bakit na naman ba?"
Don't tell me hindi pa rin siya nakaka-move on sa cellphone niya?
[May inauguration party si Senator Alfonso sa October. Invited ba kayo?]
Ano naman ang pakelam ko?
"Bakit niya naman kami iiinvite?" Naiinip na ako sa usapan namin dahil wala naman akong pakelam sa mga ganyang bagay.
[Boba ka talaga, ano? Malamang, kilalang maimpluwensya ang tatay mo. Tsaka sa pagkakaalam ko, hindi lang Red Sun ang inimbitahan nila. Nandoon din ang Black Moon at ang Phoenix.]
I imagined the three most powerful gang in the country gathering in one place. It's just so unbelievably unbelievable.
I laughed in disbelief. "Bobo din 'yang Senator Alfonso na 'yan, 'no? Gusto niya atang magkaroon ng gang war sa mismong inauguration niya."
[That's what I thought too. Anyway, akala ko pa naman ay alam mo na dahil ikaw ang anak ng Red Sun.]
"For your information, hindi ako nakikialam sa illegal businesses and transactions ng Red Sun kaya malamang ay hindi ko alam. E kayo ba invited?"
[Malamang, iisang partylist lang naman sila ni Daddy e.]
I rolled my eyes for the nth time and mouthed what she had said. Ang arte talaga ng babaeng 'to. But I think this is the first time that Jenny and I had a proper conversation. Yikes, goosebumps.
Siya na ang nag-end ng call at sinearch ko agad 'yung sinasabi niya na Senator Alfonso.
Ang sabi ni Google-san, he is Nicolas Alfonso. He is currently assigned as the new Senate President of the Philippines dahil napatalsik sa pwesto ang dating Senate President due to corruption issues.
Nagtanggal sila ng isang buwaya para lang magtalaga ulit ng isa pang buwaya. Nice.
He is married to Carmina dela Fuente, a former beauty queen, and they have a daughter, Summer Alfonso.