"You're doing good, Architect Gonzales. Keep it up. Malapit ka na sa tuktok," papuri sa 'kin ng CEO ng kompanya namin.Well, pain brought me here. Salamat sa mga taong humila sa'kin pababa. Salamat sa mga taong nanakit sa'kin. Salamat sa lahat ng taong binalewala ako. Salamat sa lahat ng sumira sa'kin. Salamat sa mga nanatili. Salamat.
"Thank you, Ma'am."
I left her office at dumeretso na 'ko sa desk ko para gumawa ng presentation of designs for the clients. Busy ako palagi since maraming kliyente ang pumupunta rito upang magpagawa ng exterior and interior designs, at ako ang sadya nila palagi para i-design ang bahay nila.
Well, simula nung i-design ko ang bahay ng isang sikat na artista ay marami ang nag-e-mail sa 'kin. They wanted me to design their house, too. Because of that, it brought fame to our company. Dahil doon, ginawa akong head ng Senior Architects.
Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko nang ipatawag akong muli ng CEO namin. Mukhang may kliyente na naman, kapagod.
"Yes, Ma'am? Tawag niyo raw po ako."
"Ah, yes. Actually, you and your team ang inassigned ko sa condominium project, di 'ba? You and your team will meet the engineers and the representatives of Avera Condominiums later."
Sabi na, e, trabaho na naman. Big project pa. Marami-rami na naman akong gagawin. Nakaka-stress. Gusto ko ng break.
"Ah, sige po, Ma'am. Ano'ng oras po ba ang meeting?"
"After lunch. Prepare all those things that you need. You also need to have a meeting with the Head Engineer and the representatives next week for the final structure and designs."
"Yes, Ma'am."
Nag-bow muna ako bago umalis. Shocks, another stress. Masyado ko atang ginagalingan. Kaloka.
Sinabihan ko ang team ko na pumunta sa meeting room after lunch regarding the condominium project. Pumunta na ko sa desk ko para kuhanin lahat ng kakailanganin ko for the meeting. I'm bringing my mini notebook and a pen with me. Dala ko rin ang laptop and cellphone ko.
Bumaba ako sa canteen para kumain ng lunch. Dala ko na ang mga gamit ko para sa meeting mamaya. Nilista ko na rin ang mga itatanong ko sa representatives ng Avera Condominiums (AC).
Jash the bitch calling...
"Oh? Bakit?" tanong ko sa kanya.
[Hoy, Alleanna Solaire! Masyado ka nang busy! Kita naman tayo, oh.]
I miss my bestfriend, too. Masyado na talaga akong busy dahil sa dami ng kliyente. I think I should take a rest bago ko simulan 'yung big project.
"Sensya ka na, girl. May upcoming condominium project, e. Kain tayo later? Gusto mo?"
[Samgyup tayo later, sis!] excited na tugon niya mula sa kabilang linya.
Tamang tama, nake-crave ako sa samgyup ngayon. Miss ko na rin naman siya. Masyado na kaming busy. We need to catch up.
"Sige, basta ililibre mo 'ko. Mukhang angat ka na sa life, ha?" natatawang sabi ko.
[Gaga! Ikaw nga 'tong head ng team niyo. Sana all promoted.]
"Gaga, wala 'to. Hahahahahaha! Ikaw nga ngayon lang tumawag."
[Che! Ang dami kasi naming ginawa ngayong linggo. May pinag-aaralan kaming gamot. 3 days day-off kami ngayon kaya kain tayo! At wala akong panglibre sa'yo.]
"KKB na nga lang! Oh, sige na. May meeting pa ko, e."
[Goodluck, sis. Sunduin na lang kita later. Muah.]
Pinatay ko na ang tawag at tinapos ang lunch ko. Dumiretso na 'ko sa elevator then I pressed the button to 5th floor.
Pagkarating ko sa meeting room, nandoon na ang team ko, my co-Senior Architects. The representatives of Avera Condominiums are also there. We're just waiting for the engineers from Ramos Company. Sikat ang company na ito when it comes to their Structural and Civil engineers.
The Senior Architects of our company are sitting on the left side of the long table. The 3 representatives of Avera Condominiums are sitting at the edge of the long table in front. Ang mga natitirang upuan sa right side ay para sa mga engineer.
The door opens at niluwa nito ang mga inhinyero ng naturang kompanya. Some of them are girls, but mostly puro lalaki. Agad silang umupo sa mga swivel chairs.
"May I know where is your head?" I asked one of the engineers na malapit sa pwesto ko. Nakaupo ako sa isa pang dulo ng mahabang mesa. Sa tabi ko ay may isa pang swivel chair para sa head ng engineers.
"Uhh, Architect Gonzales, mala-late raw po ng ilang minuto si sir, e," paliwanag ng isa sa mga engineer.
"Okay," I answered without looking back.
"Let's start the meeting," ma-awtoridad na tugon ng isa sa mga representative.
Inumpisahan na ang meeting and they discussed about the possible structure and design. 15 minutes had passed and still, wala pa rin ang head nila. I'm impatient. I don't like wasting time. Kailangan siya sa meeting na ito because he is the head of the engineers. 'Pag gumuho 'tong condo sa kanya ko sisisihin 'to. Time is gold, bitches.
"Wala pa rin ba yung head niyo? Kailangan siya rito. Bukod do'n, kailangan ko siyang maka-usap," inis na bulong ko sa isang engineer na malapit sa'kin. 'Di siya makasagot sa'kin. Maski sila ay hindi alam kung nasa'n ang head nila. Such an asshole head engineer.
Natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Panigurado ito na ang head nila. Hindi ko pa rin dinadapuan ng tingin ang pinto dahil naiinis ako sa head nila. Napaka-iresponsable. Tsk.
"You're late, Head Engineer," one of the representatives told him. Hindi ko pa rin siya dinadapuan ng tingin. Nakatingin lang ako sa papel na nasa harapan ko.
"Sorry, I'm late."
Nanlaki ang mga mata ko. What the hell? No, it can't be him. Bakit siya nandito? Kaboses niya lang 'to, tama? Shit! Paanong-
Napatingin ako sa kanya ng maupo siya sa tabi ko. Oh, fuck. Siya nga. Nakabalik na siya? Shit! Kailan pa? P-paano?
"Goodmorning, everyone. I'm sorry for being late. May emergency lang sa site," pagbati niya sa lahat.
Agad nagbulungan ang mga tao sa loob ng meeting room. Maybe because of his looks? Shit! Lalo siyang gumwapo!
"Ah, okay lang po, sir ahm. Ano po'ng name niyo? Hihi," kilig na bati ni Architect Samson. Harot ka, girl?
"For those who doesn't know me. I'm Engineer Andrei Luther Reyes by the way," he said in a charming voice.
Shit, ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya. Nanginginig na 'ko sa kaba ngayon. Ang lapit-lapit niya sa 'kin! Amoy na amoy ko ang pabango niya.
Ang tagal ko siyang hindi nakita...
Ngunit mas lalo akong nanginig nang lumapit siya at bumulong sa akin.
"It is nice to see you again, Ali."
---
Plagiarism is a crime.
©bananughh2020
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...