"Bakit ka ba kasi pumunta rito!?"
Napapikit na lang ako sa lakas ng sigaw niya.
Gusto ko lang naman na makita ka.
"Baliw ka kasi! Ilang linggo kang 'di nag-pakita. Baliw ka ba!?" singhal ko sa kaniya. Kung galit siya sa 'kin, sabihin niya. Hindi 'yung bigla-biglang 'di nagpaparamdam.
"E ano naman sa 'yo!?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Parang hindi si Andrei ang nasa harap ko ngayon. Oo nga naman, Ali. Ano bang paki ko? Sino ba 'ko? Ako na nagsabi na hindi kami mag-kaibigan. Ba't ko ba pinuntahan pa ang isang 'to?
"Ay, oo nga pala. 'Di pala tayo mag-kaibigan. Sorry," sambit ko habang nakatingin sa lupa. Ang lungkot. Bakit ganito?
Hindi ko dapat nararamdaman 'to.
"U-uy, j-joke lang. Sorry na," sambit niya at hinawakan niya ang balikat ko.
Agad ko namang tinabig ang kamay niya, "Sige, alis na 'ko. Sorry sa abala."
Tumakbo ako palayo. Naririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko, pero hindi ako lumilingon.
Nang makalabas sa lugar nila, nag-lakad-lakad na lang ako sa kahabaan ng Sta. Mesa. Naisipan kong mag-SM na lang. Tambay lang, wala 'kong pera, e.
Gusto ko ring mapag-isa muna.
'Di ko alam kung bakit ganito. Bakit ba 'ko nalulungkot? E 'di naman kami mag-kaibigan. Sa bibig ko rin naman lumabas ang mga katagang 'Hindi kami mag-kaibigan.'
Pero bakit ba iniisip ko pa rin hanggang ngayon? Gulo mo naman, Ali.
Nang makarating sa SM, tumingin-tingin na lang ako sa mga stores. Tingin lang, alaws erap.
Naisipan kong maupo sa foodcourt. Mag-rereview na lang muna 'ko. Kailangan mag-aral para sa pangarap.
Nilabas ko ang mumurahing notebook ko mula sa bag at nagsimulang mag-review ng mga na-take down notes ko kanina.
"Hi, can I sit here?"
Napatingin ako sa nag-salita habang naka-taas ang kilay. Anak ng puta. Siya na naman!? Bakit ba trip ng mga lalaking 'to na sumulpot kung saan-saan?
"Ge lang," maiksing sabi ko. Wala naman akong paki sa isang 'to. Kung uupo siya, e 'di umupo siya. Duh.
"I'm Christian by the way." Napatingin ulit ako sa kaniya. Ngiting-ngiti si gago. Feeling close, ampota. Akala mo hindi inisip noon na pokpok ako, e.
Oo, siya na naman. 'Yung lalaking nag-akalang pokpok ako roon sa birthday ni Jash.
"Hehe, sorry kung FC ako. Gusto ko lang ng kaibigan. Sorry nga pala sa nangyari n-noon," nahihiyang tugon niya. Baka naman walang masamang intensyon 'to sa 'kin? OA lang ata talaga ko mag-isip.
E, pokpok nga tingin niya sa 'yo noong una, Ali.
"Ali. Ali pangalan ko," sambit ko habang nakatingin sa binabasa ko. 'Di ako sanay mag-entertain ng kung sino-sino. Si Jash nga lang best friend ko, e. Bilang lang sa mga ka-block ko ang ka-close ko.
"Ow, hi, Ali. Saan ka nag-aaral?" tanonf niya.
"PUP," maikling sagot ko.
"Wow, sana all iskolar ng bayan." Nakangiti pa rin siya. Hindi ba nangangalay ang panga nito kaka-ngiti? Mukhang Jollibee, ampota.
Tumunog ang cellphone ko. Nag-chat si Jash.
Umuwi ka na, may bisita ka.
Mukhang dumalaw na naman si Jash sa bahay. Niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo na.
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...