Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?
"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.
Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh.
"Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak.
"And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."
Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko.
"Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt.
"Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ko gaano naintindihan dahil nag-vibrate ang cp ko kaya't na-divert ang atensyon ko.
"Yes, Miss Gonzales. Keep it up. I will look on you," our professor said.
Hindi ako makapaniwala. 'Di ako magaling mag-drawing. Natuto lang talaga ko sa drafting class namin. Hirap nga akong magpinta, e. Sasabihin ko 'to kay Lola. Matutuwa 'yon panigurado.
Inumpisahan na ni Sir ang pagdi-discuss. Tahimik akong nakikinig ng mabuti dahil ayokong bumagsak. May pangarap pa akong aabutin.
Nang matapos ang klase, kinausap ako ni Ry. Ka-block ko rin 'to sa Natural Sciences. Ang alam ko ay bisexual ang isang 'to. Crush niya kasi si JB, 'yung isa naming ka-block.
"Galing mo naman, Ali. Sana all magaling mag-drawing," papuri sa'kin ni Ry. Nambola pa, samantalang siya ang nagturo sa akin noon kung paano ang tamang pagkulay.
"Luh, ano ka ba? Ikaw nga nagturo sa'kin ng tamang pagkulay, e. Salamat, Ry. Idol kita sa pagkukulay," papuri ko sa kanya.
"Nako, wala 'yon. Tulungan tayong lahat dito para maka-survive sa pinasok nating 'to," natatawang sambit ni Ry.
Tama siya. Nakakalokang pumasok ako rito. Kaya kayo, pag-isipan niyo muna ang papasukin niyo. Pero laban lang, para sa pangarap.
"Oh, sige. Alis na-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may bumangga sa 'kin. Nahulog ang mga plates ko sa lakas ng pagkakabangga sa'kin.
"Oops, sorry. 'Di sadya," tugon ni Bea.
Imposible namang mabangga niya ako dahil malaki ang daanan at walang nakaharang na iba. Nasa gilid kami nag-uusap ni Ry. Pero baka nga hindi niya napansin.
"Okay lang, Bea," sambit ko sa kanya.
"Paharang-harang kasi. Excuse nga!" sigaw ni Bea at naglakad palayo.
Nagulat ako sa inasta niya. Hindi naman siya gano'n. Nagpapaturo pa 'yon sa'kin noon kapag may hindi maintindihan na lesson. Anong kayang dahilan niya sa likod ng ganoong asta? Baka mood swings? Ewan. Hayaan na lang baka hindi talaga naman sadya.
•••
Pagka-uwi ko sa bahay, naabutan ko na naman si Lola na nagtatahi. Sabay ulit kami umuwi ni Jash kasi kumain pa kami sa lugawan. Gutom kami, e.
"La! Alam mo ba, highest ako sa project namin," pasigaw na kwento ko kay Lola habang ibinababa sa kwarto ang mga gamit ko. Pagkalabas ko, bumungad sa 'kin ang gulat na mukha ni Lola.
"Wow talaga, Apo?" manghang sabi niya.
"Oo, La! First time kong mag-highest sa History of Arch. Nakakaloka," kwento ko kay Lola.
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...