Warning: Sexual Harassment
"Tara, uwi na tayo."
Malungkot niya akong hinawakan sa kamay. Nandito kami sa Manila Bay ngayon para lumanghap ng sariwang hangin. Nag-simula na kaming mag-lakad pauwi sa kaniya-kaniya naming mga bahay. Hindi ko inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil mukhang kailangan niya ng kakapitan ngayon.
"Andrei..."
Napa-hinto siya sa paglalakad kaya't napahinto rin ako. Nandito pa rin kami sa kahabaan ng Manila Bay. Lumingon siya sa akin at tumitig sa aking mga mata. Tumitig din ako sa kaniya at bakas na bakas sa mga mata niya ang lungkot.
"Sorry." Napa-yuko ako dahil nakokonsensya ako sa mga nangyari. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Hindi na lang sana ako nag-part-time job. E 'di sana, walang nangyaring gulo.
At hindi sana siya natanggal sa trabaho...
Hinawakan niya ang baba ko at inangat niya ang ulo ko upang makatingin ako sa kaniya, ngunit 'di ko kayang tumingin sa mga mata niya.
"Tumingin ka nga sa 'kin," sambit niya. Pinilit kong salubungin ang mga titig niya. Nakakapanghina. Nakakakonsensya.
"Sorry."
Hindi ko na napigilan ang lumuha dahil sa mga nangyari.
Kumuha agad siya ng panyo sa bulsa niya at agad niyang ipinunas sa mukha ko. Muli niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang ulo ko upang magsalubong ang mga tingin namin.
"'Wag kang mag-sorry. 'Di ba, sinabi ko sa 'yo na ako ang bahala sa 'yo?" sambit niya habang nakatingin ng taimtim sa mga mata ko.
"Pero kasi, nawalan ka ng trabaho, Andrei. Dahil sa 'kin 'yon! Sana pala 'di na lang kita inabala. Sana pala 'di na lang ako pumasok do'n!" sunud-sunod kong sabi habang may mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko dahil baka siya na naman ang mag-punas. Ano 'to? Wattpad?
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at hinimas ang mahaba kong buhok na lumilipad ng kaunti dahil sa hanging nagmula sa dagat.
"Wala akong paki kahit mawalan pa 'ko ng trabaho, ang mahalaga ligtas ka. Hindi ko maaatim na galawin ka ng iba. Ako makakalaban nila."
•••
Naghuhugas ako ngayon ng mga pinggan. Natanggal na rin ang manager namin. Buti na lang at babae ang pumalit, mabait pa.
"Ali, ikaw naman doon sa cashier area. Masama raw pakiramdam ni Precious," utos sa 'kin ng bagong manager namin, si Ma'am Yani.
"Sige po, Ma'am."
Pinunasan ko ang kamay ko at pumunta na sa cashier. Nasalubong ko si Precious na namumutla na.
"Ali, ikaw na muna sa cashier. Hindi talaga maganda pakiramdam ko ngayon," nanghihinang sambit niya sa 'kin.
"Oo naman, walang problema. Sige na pahinga ka muna. Baka gutom lang 'yan."
Dumiretso na 'ko sa counter. Hindi ito ang unang beses kong maging cashier dahil isang buwan na ang nakakaraan simula nang mag-trabaho ako rito. Mula noong insidenteng iyon, hindi na namin nakita ang manyak naming manager. Nagsalita na ang mga babaeng ka-trabaho ko laban sa kaniya kaya natanggal rin siya kinabukasan.
Mula rin noon, 'di ko na nakita o nabalitaan pa si Andrei.
"Goodmorning! Welcome to Jollibee! What's your order, Ma'am?" pagbati ko sa customer. Agad niya namang sinabi ang order nita kaya't agad ko itong binigay.
"Enjoy your meal!" sambit ko nang makuha niya na ang order. Pagkaalis ng customer, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o ano. Pero mukhang nakita ko si Andrei. Alam kong siya 'yon dahil ganoon ang postura ng katawan niya.
YOU ARE READING
Structure of Love
RomantizmBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...