Six

4 0 0
                                    

"Upo ka diyan."

Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to.

"Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya.

"Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"

Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.

Jash the bitch calling...

"Jash."

[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]

"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.

[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?]

"Paki-puntahan naman siya, Jash. Wala ako sa ospital. Naghahanap ako ng paraan para mabayaran 'yung mga gastusin." Kahit ang totoo ay nandito ako sa Jollibee, kakain.

[Oh, sige! Send mo sa 'kin kung saang ospital pati na rin yung room number. Jusq naman, Ali. Sa susunod magsabi ka naman. Tutulungan kita sa gastusin.]

"'Wag na, Jash. Kaya ko na 'to."

[Ulol! Anong kaya!? Bahala ka, tutulungan kita sa gastusin sa ayaw at sa gusto mo. Ge na, chat mo na sa 'kin.]

Pinatay na niya ang tawag. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko, baka pagtawanan lang ako no'ng Luther na 'yon. Agad ko namang sinend kay Jash 'yung mga detalye.

Nakakatawang isipin, nandito ako sa Jollibee samantalang nasa ospital ang lola ko. Gago lang, 'di ba? Mas gugustuhin ko kasing mag-isip sa labas kaysa hintayin ang lola ko sa ospital. Baka kasi kung nasa ospital ako ngayon, mauuna pa siguro akong mamata kay lola dahil sa kaba at stress.

Pangit man, mas gusto kong takasan muna panandalian ang problema. Sa ganoong paraan kasi ako nakaka-isip ng solusyon.

"Hoy! Ayos ka lang ba?"

Nagulat ako nang ibinaba niya ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.

"Oo, may problema lang. Haha." Pinilit ko pa ring tumawa para isipin niyang okay lang ako.

"Mama mo. Halata namang may problema ka, te. Chika mo na, sis."

"Ayoko," tipid na sabi ko. Ayoko talaga sa lahat 'yung sinasabi ang problema ko sa iba. Ayokong kaawaan nila ko. Kaawa-awa na nga ang tingin ko sa sarili ko, kakaawaan pa nila 'ko.

"K. Sabi mo, e," tipid na sabi niya. Buti naman at hindi na ito nagpumilit. Baka ma-badtrip lang ako.

Tinignan ko ang nga pagkaing binili niya. Umorder siya ng dalawang Chicken Joy with drinks.

"Sensya ka na, ha? 'Yan lang keri ng budget. Tsaka may discount ako sa mga 'to. Panis!"

"Baliw, ako na nga nilibre magiging choosy pa ba 'ko? Duh." Umirap ako sa kaniya at kinuha ang isang plato na may lamang isang pirasong manok at kanin na nakabalot sa papel.

Binuksan niya na 'yung papel na balat ng kanin at dinurog-durog niya ang kanin. Gano'n din ang ginawa ko. Gutom na rin ako dahil 'di pa ako naghahapunan.

"Pa'no ka nga pala naka-discount dito?" takang tanong ko sa kaniya. Baka mamaya siya pala anak ng may-ari ng Jollibee tapos ginagago-gago ko lang siya.

Structure of LoveWhere stories live. Discover now