"H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.
Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon.
"Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?
"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!
"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.
Teka, bakla ba 'to? Pambakla magsalita, amp.
"Bakla ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya.
Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa 'kin. Halo-halo ang ekspresyon ng mukha niya. Confirmed. Bakla, amp. Sayang crush na sana kita, kaso sis din pala kita.
"Anong bakla!? Gago ampota," inis na bulyaw niya.
"E, bakit ganyan ka magsalita? Umamin ka na, 'di ko pagkakalat promise, hehe," natatawang sabi ko sa kanya. Hindi na lang kasi aminin. Action speaks louder than voice, sis.
"Tangina, 'di nga ko bakla! Paano mo nasabing bakla ako?" naiiritang tanong niya.
"Bonak! Sa wattpad kasi, masungit tsaka snob 'pag mga pogi. Pogi ka sana kaso ang ingay mo. Sayang, hays," sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi, 'yung mga nababasa ko sa wattpad mga snob, masungit, tapos pogi. E 'to ang ingay masyado.
"Pota, nasa wattpad ba tayo, ha!? Tsaka anong sayang? Bahala ka nga sa buhay mo. Salamat nga pala sa 'kin kasi niligtas kita. Ge, bye."
Nagsimula siyang maglakad sa akin palayo. Napikon ata si siswang.
"Bye, Bakla!" sigaw ko sa kanya pabalik. Pumakyu siya sa 'kin habang naglalakad palayo, amputek. Hindi niya na ako nilingon pa at nagpatuloy sa paglalakad. Babalik sana ako sa bar ngunit naalala ko ang nangyari kanina.
Nagdesisyon akong umuwi na lang dahil natatakot akong balikan ako ng mga lintik na manyak. Wala pa naman akong dalang bag, maski cellphone at pera. Nakisabay lang kasi ako sa service nila Jash.
Nagsimula akong maglakad pa-uwi. Mabuti na lang at hindi ako nag-heels dahil hindi rin naman talaga ako marunong magsuot noon. Puting sapatos lang ang suot ko, naninilaw pa.
Hindi tuloy ako nakapag-take-out ng pagkain para kay Lola. Hays, nagugutom na siguro 'yun.
"Hi, miss? Mag-isa ka lang?"
Napalingon ako sa gilid ko nang may humintong kotse at kumausap sa akin. Nakangisi siya sa 'kin na animo'y may binabalak at gustong gawin. Anong tingin sa 'kin ng isang 'to? Pokpok? Pakaratchi? Pokers? Sampalin ko kaya 'to ng malupet.
"Hindi ako pokpok. Uwi ka na, ingat sila sa 'yo," mataray na tugon ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Luh? Halatang fuck boy, ha?
"Woah! I thought you're uh- nevermind.Okay okay, goodnight, miss. Ingat." Ngumiti siya sa 'kin saka itinaas muli ang salamin ng kotse bago paandaring muli ang sasakyan.
Tangina no'n, ha?
•••
"Nako, te. Sensya ka na kagabi. Nawala ka sa paningin ko. Ang dami kasing nagsipuntahan sa bar kagabi. May galing pang ibang university!"
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...