Eight

3 0 0
                                    

Warning: Sexual Harassment

"Kain ka muna, Apo."

Umupo ako sa silyang nasa tapat ko. May pagkain sa mesa namin. Isang kalahating manok na galing sa Baliwag. Ilang beses pa lang ako nakatikim nito, pero masasabi kong sobrang sarap. Huling kain ko nito sa birthday pa noon ni Jash.

"Oh? Sa'n naman galing 'yan?" takang tanong ko.

"E 'di sa pinakapogi mong kaibigan!"

Nagulat ako sa biglaang pag-singit niya. Epal talaga 'to. Paano ba 'to nakarating dito?

"Luh? Sino ka diyan? Kailan pa tayo naging friends?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Hala, 'di pa pala tayo friends? Ouch, huhu." Umakto siyang nasasaktan. May pag-hawak pa sa dibdib, ampota.

"Ewan ko sa 'yo. Bakit ka ba nandito, ha? Tsaka paano mo 'ko natunton?" takang tanong ko. Imposible namang nag-google map or waze ang isang 'to.

"E, wala kasi akong magawa. Naisipan kong maglakad-lakad kung saan-saan. Tapos naalala ko, tinuro mo kagabi 'yung way papunta sa bahay niyo, 'di ba? Tapos ayon, nagtanong-tanong ako," paliwanag niya.

"Oh, saan ka naman bumili nitong manok?"

"E, may nadaanan akong Baliwag diyan. Sensya ka na, ha. Kalahati lang nabili ko, alaws pa sahod, e. Bumili ako kasi feeling ko mahilig ka sa manok. Noong kumain kasi tayo sa Jollibee ang takaw mo, e," natatawang sambit niya.

Inirapan ko siya, "Kapal mo. Paano ka nakarating dito sa bahay namin? Puro pasikot-sikot dito, ha?"

"Nagtanong-tanong nga, 'di ba? Unli ka, be? Ay, te. Ba't ganiyan 'yang mga tambay niyo rito? Bubugbogin daw nila ko, sis. Manliligaw mo raw ba 'ko. Like duh, 'di kita bet. Iw," diring-diri niyang sabi. Kapal ng mukha, ampota.

"Wow, ha. Lumayas ka na nga dito!" sigaw ko sa kaniya. Bwiset e. Laitin ba naman ako sa sarili kong pamamahay.

"Lul! Kakain din ako 'no! Lola oh! Si Ali!" pagsusumbong niya kay Lola.

"E 'di wo-"

"Hayaan mo na, Ali. Magpasalamat ka na lang dito kay Andrei dahil may makakain tayo ngayon. Salamat, hijo. Hihihi," pag-singit ni Lola sa usapan. Mukhang bet pa ni Lola 'tong si Andrei, tanda-tanda na ang harot harot pa rin. Dito ata ako nagmana ng kaharutan, bwiset.

"Oh, ano ka ngayon? Blebleble," pangaasar sa 'kin ng kutong lupa na 'to. Nilabas pa ang dila para mang-asar. Yari ka sa 'kin mamaya.

"Tsk, sige kumain ka na. Nang makaalis na ang epal sa bahay na 'to." Inabot ko sa kaniya ang plato at agad niya namang inabot. Kumuha na agad siya ng kanin at isang pirasong manok. Gutom ka, girl?

"'Di ka naman gutom, ano?" tanong ko sa kaniya. Ang bilis niya kumain, e. 'Kala mo 'di lumulunok, ampota.

"Nagutom ako sa pa-Q and A ng mga tambay na tropapits mo sa labas. Daming tanong, e," sagot niya habang may laman pa ang bibig. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Tropapits?

"Anu-ano naman ang tinanong nila sa 'yo?"

"Manliligaw mo raw ba 'ko, baka raw saktan lang kita. Suntukan daw muna kami bago kita ligawan tapos bakit daw manok ang dala ko, dapat daw flowers. OA ng mga tropapits mo, girl." Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. Kahit kailan talaga 'tong mga kababata kong sila Emong, protective. Naalala ko noon, 'pag may umaway sa'kin ay yayayain nila makipag-suntukan.

"'Wag mo na lang pansinin. Ge kain ka na diyan. La, kain ka na rin."

Kumain na rin si Lola. Kumuha na rin ako ng plato upang kumain, pero itong si Lola, nang-aasar ang mga titig. Luh? Ano ka diyan, La?

Structure of LoveWhere stories live. Discover now