"You're late, Miss Gonzales."
Oo, late na talaga 'ko. 10 minutes late. Sa History of Architecture pa. Tangina.
"I'm sorry, Sir. Nasira po kasi bag ko," nahihiyang tugon ko.
Nakasukbit pa rin sa likod ko ang nasira kong bag. Nahihiya man dahil pinagtatawanan ako ng mga nakakita sa akin kanina, hindi ko na lang inintindi. Wala namang dulot 'yang mga 'yan. Tatahiin ko na lang 'to sa bahay mamaya. Wala naman akong pera pambili ng panibagong bag. Pwede pa 'to.
Napasulyap siya sa bitbit kong eco bag, "Oh, I see. Sit down."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo mabait sa akin 'tong prof ko na 'to. Nahagip ng mga mata ko ang natatawang mukha ni Bea. Hindi ko na lang pinansin dahil katawa-tawa naman talaga ang sitwasyon ko.
Agad naman akong naupo sa upuan. Katabi ko ulit si Matt. Napatingin siya sa eco bag na bitbit ko.
"Anyare sa 'yo, sis? Haggard ka, mamshie. Para kang hinabol ng toro, kaloka," bulong ni Matt. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
Nakinig na lang ako sa discussiom. 'Di ko na inisip pa 'yung bag ko. Mamaya ko na lang aayusin 'yon sa bahay. Tatahiin ko na lang. Pwede pa 'yon. Tiyaga-tiyaga na lang muna. Wala akong pera pambili, e.
•••
"Roniel! Brent!" pasigaw na tawag ko sa kanila. Napalingon silang dalawa sa 'kin.
"Hoy kayong dalawa! Gawin niyo yung pinapa-research ko sa inyo! Ayos kayo, ah. Patambay-tambay lang sa canteen, ha!?" sermon ko sa kanilang dalawa.
"Luh, ikaw na mag-research! Tali-talino mo, e! Kaya niyo na 'yan!" reklamo ni Roniel.
Aba, ayos 'to, ha? Mga dumbbell talaga, ampota.
"Lul! Pag 'di kayo nag-research, 'di namin kayo ililista sa pangalan ng mga nag-participate," babala ko sa kanila.
Agad nanlaki ang mga mata nila at lumapit silang dalawa sa akim habang kumakamot sa ulo, "Luh, e 'to na nga e! Send mo na lang sa'min sa chat, Ali," tugon ni Brent.
"Hay nako, sige. Kapag kayo hindi gumawa, tignan niyi na lang 'yung listahan ng mga may grade,"
nakangising sabi ko.Agad naman silang napa-palakpak sa tuwa. Napairap na lang ako sa kanilang dalawa. E 'tong nga 'to, college na pa-chill chill pa rin. Dumbbells, ampota.
"Nays." Itinaas ni Roniel ang kamay niya para makipag-apir sa 'kin.
"Hoy, ikaw. 'Wag kang aapir-apir diyan. Aral-aral din kayo, hoy! Puro kayo chix diyan," inis na sabi ko. Iba't-ibang babaeng nakikita kong kasama ng mga 'to per week.
"Ge, hahaha!" sabay na sabi nila.
"Bahala nga kayo diyan. Ayusin niyo 'yan, ha!" babala ko sa kanila. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis.
Pumunta na ako sa gate at nakita ko si Jash na nag-aabang do'n habang nag-cecellphone. Nang makita niya ko, agad niya kong nilapitan.
"Oh? Anyare sa bag mo, te?" tanong niya matapos niyang makita na eco bag na lang ang dala ko.
"Nawasak sa mall. Nakakainis nga, e. Na-late pa tuloy ako. Punyeta," inis na tugon ko.
"Oh, sa'n mo naman nakuha 'yang eco bag na 'yan?" tanong niya matapos makita ang eco bag na hawak ko. Sasabihin ko kaya na si Superman nag-bigay no'n? Panigurado aasarin ako nito. Pero hayaan mo na, wala naman akong gusto sa isang 'yon, e.
"Do'n sa Luther na 'yon, siya kasi nakabangga ko," kwento ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Jash. Akala mo naman may nangyaring kung ano.
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...