Jash the bitch calling...
Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.
Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko.
"Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa.
Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo. Umiiyak akong nakatingin sa kaniya. Nagbabagsakan na ang mga kahoy sa aming bahay. Nagliliyab na ang paligid at maraming tao ang nagtatakbuhan sa labas.
"Pre! Umalis na kayo riyan! Lumalaki na ang apoy!" sigaw ng kapit-bahay namin.
Agad akong dinampot ng kapit-bahay namin dahil muntik na akong mabagsakan ng kahoy na nagliliyab.
Binuhat ni Papa si Mama na panay ang ubo at hindi na makahinga dahil sa init at usok.
"Mauna na kayo, pre! Ingatan mo ang anak ko, Ingatan mo si Ali," umiiyak na sambit ni Papa.
Tumingin sa akin si Mama, may lumandas na luha sa kanyang mga mata.
"Mahal na mahal kita, Ali anak," umiiyak at nahihirapang sambit ni Mama.
"Mama! Pa!" umiiyak kong sigaw. Ilang metro na ang layo namin sa kanila dahil tumakbo na ang kapit-bahay namin dala-dala ako.
"Mama! Papa!" sigaw ko nang makitang nabagsakan sila ng malaking kahoy at natabunan sila. Hindi! Buhay pa sila! Pupuntahan ko sila!
Agad akong kumawala sa pagkakabuhat sa akin ng kapit-bahay namin.
"Ali, ano ba!? Wala na sila! 'Wag ka nang pumunta ro'n!" suway niya sa akin.
Ngunit hindi ako nakinig, kumawala ako at nang makababa na ako, tumakbo ako sa kinaroroonan nila Mama.
Ilang metro na lang ang layo ko sa kanila nang biglang may bumagsak na nagliliyab na kahoy sa harapan ko. Naipit ang aking paa at 'di ako makatayo dahil mabigat ang kahoy na nakadagan sa akin.
"Tulong! Tulong! Parang awa niyo na!" umiiyak na paki-usap ko sa kung sino man ang makakarinig sa akin. Ayoko pang mamatay! Ililigtas ko pa sila Mama.
Wala akong makita dahil napaka-usok ng paligid. Nagliliyab na apoy ang nasa harapan ko at napaka-init nito sa balat. Patuloy ako sa pag-ubo dahil sa usok.
Nararamdaman ko ng unti-unti ng pumipikit ang aking mga mata. Bumabagal na rin ang aking pag-hinga. Hindi na ako nakakahinga ng maayos.
Naramdaman kong nawala na 'yung nakadagan sa paa ko at may humila na sa 'kin patayo.
"Aray!" sigaw no'ng humila sa 'kin patayo.
"Bunso, bilisan mo!" sigaw mula sa malayo.
Wala pa rin akong makita ngunit ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang makatakbo at maka-alis na rito. Nang makatakbo na ako, agad akong umalis sa lugar na iyon. Nakita ko ang mga kapit-bahay ko na nakasalampak sa sahig ng kalsada. Ngayon lang nakarating ang mga bumbero at agad nilang tinupok ang apoy.
Pero huli na, wala na sila Mama at Papa. Wala na ang mga magulang ko...
Umiiyak na lang akong pinagmamasdan ang tirahan namin at ng mga kapit-bahay ko na nagliliyab. Marami na rin ang nag-iiyakan sa paligid ko. May mga kapit-bahay kami na tumutulong sa pag-tupok ng apoy. Pero heto ako, nakatulalang umiiyak dahil sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...