One

16 1 0
                                    

"Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon.

"Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi.

"Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin.

"'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."

Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko.

"Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.

Hindi ako pumupunta sa mga bar. Maraming manyak do'n. Baka mademanda pa 'ko 'pag may nasuntok ako ro'n.

"Ta-try ko," maiksing sagot ko sa kanya.

"Pag-isipan mo, te. Minsan lang ako may pera at minsan lang kita ililibre kaya pumayag ka na, ha!"

"Ta-try ko nga!"

"Ah, basta. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka. Ipapaalam kita kay Lola."

"Hay nako," pagsuko ko. Makulit 'tong si Jash. Kahit anong ayaw ko, napipilit ako nito. Wala na rin naman akong magagawa kaya hinayaan ko na. Kahit naman subukan kong humindi, kukulitin ako niyan hanggang sa mapa-oo ako.

•••

Pagka-uwi ko ng bahay, nakita ko si Lola na nagtatahi ng basahan. Mahirap lang kami, sa squatter area lang kami nakatira. Maliit lang ang bahay namin, walang second floor. Kami na lang ni Lola ang nakatira ngayon dahil namatay ang aking mga magulang noong 6 years old pa lamang ako dahil sa sunog. 'Yung ibang anak naman ni Lola, e wala nang paki sa'min.

Natutustusan namin ang gastusin sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng pagtatahi ni Lola ng mga basahang bilog. Nang mag-high school ako, nagsimula akong mag-online selling para may dagdag kita at may pang-kain kami sa araw-araw. Buti na lang at nakaipon-ipon ako kaya nakabili ako ng second hand na makina para sa pagtatahi ni Lola ng basahan.

Laking pasalamat ko nang makapasa ako sa PUPCET. Mababa lamang ang tuition fee sa PUP kaya't sa wakas, makakapag-aral din ako ng kolehiyo. 'Di na sana ako magkokolehiyo dahil wala kaming pang-bayad ng tuition fee, buti na lang at pumasa ako. BS in Architecture ang kinuha kong kurso dahil pangarap ng Lola ko na magkaroon ng magandang bahay. Gusto ko rin siyang ilayo sa magulong lugar na ito.

2nd year college na 'ko. Magastos ang kursong kinuha ko. Mabuti na lang at maraming bumibili sa'kin through online. Kapag summer, nagsu-summer job ako kung saan-saan para makaipon ng pera para sa susunod na pasukan. Minsan kung ano-anong raket ang kinukuha ko para may pandagdag ipon.

"La, kain ka na. May dala akong pagkain," inabot ko sa kanya ang sinigang na binili ko sa karinderya ni Aling Rosa. Buti na lang at naka-discount ako.

"Oh siya, sige. Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Matanda na si Lola. 61 years old na siya ngayon pero nagtatahi pa rin siya ng mga basahan. Mabuti na lang at marami kaming suki at dito bumibili ng mga basahan. Kung papalarin, minsan 'yung iba bultuhan kung bumili.

"Kumain na ko, La. Gawin ko lang 'tong plates ko," paalam ko sa kanya.

"Oh, sige."

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nilapag ko na ang gamit ko. Wala akong kama. Papag lang ang hinihigaan ko. Si Lola, nabilhan ko siya no'ng nakaraang taon ng foam para 'di sumakit likod niya. Kahoy lang ang pagitan ng kwarto namin ni Lola. Nilapag ko na ang mga gamit ko sa isang lamesa at sinimulan ko nang gawin ang mga kailangan kong tapusin.

Structure of LoveWhere stories live. Discover now