Warning: Verbal Sexual Harassment | Child Abuse
"Ang tagal mo naman, jowa."
Nangasim ang mukha niya sa narinig.
"Jowa mo mukha mo. Jowa, ampucha," inis na saad niya.
"Hahahahaha! Ayaw mo no'n? Cute cute ng jowa mo, choosy ka pa. Hahahahahahaha!"
Hanggang ngayon, tawang tawa pa rin ako sa sinabi ng tropa niya. Mag-jowa raw kami, ampota. Kadiri, men.
Nandito kami ngayon sa Jollibee, Luneta branch. First day of duty ko rito, buti na lang pareho kami ng shift ni Andrei. At least may kakilala ako.
"Tara na, nang makapag-bihis ka na."
Pumasok na kami sa loob. Medyo marami-rami ang kumakain dahil maghahapunan na. Puro mag-jowa, ampota. E 'di kayo na. Sana all.
Dumaan kami sa gilid ng counter at pumasok na sa loob ng kitchen area. Aligaga ang mga nagtatrabaho dahil marami-rami ang umo-order.
"Dito ka lang, kausapin ko lang si Manager," sambit niya sa akin. Pumunta ako sa gilid dahil baka nakakasagabal ako sa daan. Busy pa naman sila. Ang panget naman no'n kung unang araw ko palang sa trabaho, bad shot na agad ako sa kanila.
Dumating si Andrei kasama ang isang lalaki na nasa mid-30s. Baka ito na 'yung sinasabi niyang manager nila.
"Sir, 'to nga pala 'yung sinasabi kong kapwa ko estudyante na gusto mag-part-time job," sambit ni Andrei do'n sa manager nila.
"Ah, ikaw ba 'yon, hija?" tanong sa 'kin no'ng manager.
"Uhm, opo," nahihiyang tugon ko.
"Ano bang kaya mong gawin, hija?" nakangising tanong niya sa 'kin. 'Di ko na gusto 'tong nangyayari. Pwede bang mag-back out?
"Ahhh..." tanging nasambit ko.
"Ahh... mabilis 'yan maghugas ng pinggan, sir. Pro-dishwasher 'yan sa 'min. Suggest ko lang na dishwasher na lang siya sa kitchen area, sir." Hay salamat, niligtas na naman ako ng isang 'to.
"Ah, okay. Sige, mag-palit ka na ng damit o gusto mo, ako pa mag-palit sa 'yo?" nakangising sambit niya. Hindi ko na talaga gusto 'to.
"Ahh, tara na, Ali! Excuse us, Sir." Agad akong hinatak ni Andrei papalayo sa manyak na manager na 'yon. Bwiset.
"Mag-bihis ka na diyan. 'Wag kang mag-alala, 'di kita pababayaan."
Gusto ko na sanang mag-back out, pero nakaramdam ako ng kaligtasan sa mga sinabi niya.
Nang matapos ako mag-bihis, agad tinuro sa 'kin ni Andrei 'yung mga huhugasan ko. Agad naman akong pumwesto at hinugasan ang mga 'yon.
"Hi! Bago ka?" tanong sa 'kin no'ng isang babae na naghuhugas din kagaya ko.
"Ahh, oo," tipid na sagot ko. Nahihiya pa ko 'no.
"'Wag kang mahiya dito. Pare-parehas lang tayong estudyante. Ako nga pala si Kat," pagpapakilala niya.
"Alleanna pangalan ko, pero Ali na lang," tugon ko.
"Sa'n ka nag-aaral, Ali?"
"Diyan sa PUP, ikaw?"
"PLM, sige na trabaho na. Baka mayari tayo sa manager nating manyak," mapait na tugon niya.
"Na-manyak ka rin?" takang tanong ko.
"Halos lahat kami. Pero nasanay na lang. 'Di naman siya nanghahawak, manyak lang mag-salita."
"Pero kahit na, Verbal Sexual Abuse pa rin 'yun."
YOU ARE READING
Structure of Love
RomanceBuild Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mab...