Pinsan.
Naka tingin ako sa kalangitan at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Ang ganda ng panahon ngayon malamig.
Naramdaman kong may tumabi sa 'kin presensya pa lang nya alam kong sya 'yon. Nilingon ko sya at nag tama ang mata namin agad na bumilis ang tibok ng puso ko. No! Bawal 'to!
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang naka titig pa rin sya sa 'kin.
Ngumiti sya at mapupungay ang mga matang tinignan ako.
"Gusto lang kitang bisitahin." Naka ngiting sagot nya. Please... Wag ganito.. Bawal. Bawal tayo.
"Please, umalis kana tantanan mo na ako." May pakiusap sa boses ko. Nakikiusap na ako tantanan mo na ako kung hindi makakagawa ako ng kasalanan.
"Hindi ko kaya..." Tinignan nya ako sa mga mata.
Pakiusap tumigil kana tantanan mo na ako! Ayokong makagawa ng kasalan. Pero mukhang hindi ko maiiwasan 'yon kung lalapit ng lalapit ang pinsan kong ito, si Jacob. High school pa lang gusto ko na sya alam kong bawal at mali 'yon dahil pinsan ko sya pero hindi ko mapigilan ang lumalago kong nararamdaman sa kanya... Hanggang ngayon.
Isang araw sa bahay bumisita sya saktong wala sila Mama at Papa noon kaya kami lang dalawa non.
"Ahm, Ano bang gusto mo? Tubig o juice?" Hindi ako mapakali pag malapit sya katabi ko lang sya sa sofa at nakatitig sya sa 'kin.
"Ikaw, ikaw ang gusto ko." Seryosong sagot nya na kinagulat ko.
"H-Ha?"
"Sabi ko ikaw ang gusto ko, matagal na kitang gusto Ana pero hindi ko lang masabi dahil na totorpe ako." Kamot batok na sabi nya.
Halos malaglag ang panga ko habang naka tingin sa kanya. G-Gusto nya rin ako? Totoo ba 'tong narinig ko? O guniguni ko lang 'yon?
"H-Ha?" Siguro mukha na akong tanga na naka titig sa kanya ngayon.
"Gusto kita matagal na."
Gusto nya nga ako! Hindi ko guniguni 'yon, totoo! Tinikom ko ang naka ngangang bunganga at inayos ang sarili. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin.
Tinignan ko sya at nakatingin pa rin sya sa'kin.
"A-Ahm, ako rin." Ramdam ko ang init ng pisngi ko at ang pag pula non
"Anong ako rin?" Nakangiting tanong nya. Alam nya naman na ibig sabihin non kailangan pa ba sabihin?
"Gusto rin kita matagal na."
Malawak syang ngumiti sa'kin at nagulat ako ng yakapin nya ako.
"Yes!" Masayang sigaw nya at napangiti ako. Saya ang lumulukob sa 'kin ngayon dahil nag tapat rin sa 'kin ang taong gusto ko na gusto nya rin ako. Pero...
Kumalas ako sa pagkaka akap sa kanya.
"Bakit?" Takang tanong nya.
"Mali 'to, bawal 'to, mag pinsan tayo, Jacob." Mahinang sabi ko. Bakit ba kasi sa pinsan ko pa ako nag ka gusto? Sa taong alam ko namang malabong mag ka roon ng kami.
"Ana, wala akong pakielam sa sasabihin ng ibang tao. Pag dating sa pag mamahal at nararamdaman walang tama o mali."
"Bakit ka ba ganito? Bakit ayaw mo akong tantanan?" Maluluha na ako.
"Kasi mahal kita." Deretsong sagot nya.
"Pero bawal nga! Bawal 'tong nararamdaman natin! Hindi tayo pwede!" Sigaw ko sa kanya at tuluyan nang tumulo ang aking nga luha.