Nakatingin ako sa madilim na langit na puno ng nag niningning na mga bituin. Ang liwanang ng buwan ang nag bibigay liwanang sa'kin. Napapikit ako ng umihip ang malamig na hangin.
Pag mulat ko ng aking mga mata napatingin ako sa gilid ko dahil may naka upo na roon. Nakatingin ito sa langit nasa likod nya ang kanyang dalawang kamay para suportahan ang bigat nya.
Nasa dalampasigan kami at alon lang ng dagat ang nag sisilbing ingay sa pagitan naming dalawa. Walang nag sasalita samin hanggang sa basagin nya ang katahimikan.
"Iiwan mo rin ba ako?" Tanong nya na nag pa tigil sa'kin.
Napatitig ako sa kanya. Ramdam ko ang lungkot at sakit sa kanyang boses. Tumingin sya sa'kin at nag tama ang mga mata namin. Kitang kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa pangingilid ng luha.
I'm sorry...
"Jeb..."
Hindi ko kayang sagutin ang tanong nya. Sino ba ang makakaalam kung mawawala kana? Sino ba ang makakaalam kung iiwan mo na ang isang tao?
"Jeb please..." Nakikiusap kong sabi. Alam nyang ayaw kong pinag uusapan ang tungkol dito. Ngunit hindi ko sya masisisi dahil alam kong natatakot sya.
Jeb sorry...
"Sorry natatakot kasi ako." Mahinang sambit nya.
"Alam ko. Pero hanggang kaya ko lalabanan ko ang sakit ko. Lalaban tayo."
"Lalaban tayo." Ulit nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinapit ako palapit sa kanya. Nakasandal ang ulo ko sa palikat nya habang nakayakap sa kanyang bewang ang dalawa kong kamay.
"Sana ganto na lang tayo habang buhay.."
Sana nga...
"Be my strenght."
"I will. We will fight together."
"Together."
HOSPITAL
Napatingin ako sa pinto ang aking kwarto sa ospital ng bumukas ito at iniluwa si Jeb. Simula ng na ospital ako last week lagi na lang syang dumadalaw halos ayaw nya na ng umuwi sa kanila. Uuwi lang pag maliligo pagka tapos babalik ulit.
May dala syang mga prutas nilay nya ang mga prutas sa lamesa bago nag lakad palapit sa'kin. Umupo sya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.
"Gagaling ka." Sambit nya.
Tinigna ko sya sa mga mata at mapait na ngumiti.
"Jeb... ginawa na natin lahat malala na ang sakit ko. Nag chemo na ako at ininom lahat ng gamot na sinabi ng doktor pero hindi pa rin ako gumagaling dahil malala na ang sakit ko..." Mahinang sabi ko.
"Nayeli.."
"Jeb.. pagod na ako. Lumaban naman ako pero kahit katawan ko sinusukuan na ako.. pagod na ako."
Totoo pagod na ako. Lahat naman ginawa ko na, namin. Pero pagod na ang katawan ko gusto ko ng bumigay.
May stage/grade 4 brain tumor ako. Simula ng ma diagnosed ako last year nag bago na ang lahat. Tumigil ako sa pag aaral dahil sa pag papagamot ko. Sinubukan namin na mag aral ako habang nasa ospital pero tumanggi ako.
Halos sa ospital na ang tumira buong taon dahil sa sakit ko. Yung mga bagay na nagagawa ko noon limitado na lang ngayon dahil sa sakit ko.
Salamat kay Jeb dahil sya ang naging lakas ko at ang pamilya ko. Nakilala ko si Jeb last year, Mag kaklase at seatmate kami. Masaya sya kausap at kasama kaya naging close at di kalaunan naging mag kaibigan kami.