4-You don't know that i love you

3 2 0
                                    

Nakatingin ako sa babaeng nag lalaro ng badminton kasama ang mga kaklase namin. It's our P.E time and here i am sitting in the bench and not playing with them. I just don't want to play. I just want to watch her every second, every minute, every hour and every day.

She look at my side and our eyes met, Ngumiti sya sa'kin at ngumiti rin ako sa kanya. Damn her smile! She's beautiful. Her smile is precious to me.

I feel like my world is in slow motion when she started walking towards me and my heart is pounding inside my chest. Damn! Lakas talaga ng epekto nya sa'kin.

Nang nasa tapat ko na sya ngumiti sya sa'kin. "Ano hindi ka ba mag lalaro?"

"No."

Suddenly her shoulder fell like she lost her hope in life.

"Bakit? Ayaw mo ba ako kalaro?" Malungkot ang boses nya.

Fuck! Ayaw ko syang nakikitang malungkot. Nasanay kasi ako na lagi syang naka ngiti at naka tawa tuwing nakikita ko sya.

"Hindi naman sa ganon.. ayaw ko lang talaga mag laro.." Nakita kong ngumuso sya at mas pinalungkot pa ang mukha alam kong umaarte lang sya para maki paglaro ako sa kanya. "Fine! Mag lalaro na ako." Pag suko ko. She's so cute!

I found myself playing with her. Alam nyang hindi sya mananalo sa'kin dahil matagal na kaming nag lalaro ng badminton at lagi ko syang natatalo.

"Ang daya! Lagi mo na lang akong natatalo!" Pag mamaktol nya at parang bata na nag papadyak.

"Okay lang 'yan panalo ka naman sa puso ko." Mahina kong bulong sapat na para hindi nya marinig.

Yes, i'm in love with her...

"BOO!" Napa igtad ako sa gulat ng may biglang sumigaw sa mismong tenga ko! Pag sasabihan ko na sana kung sino man ang pangahas na nanigaw sa tenga ko ng makita ko kung sino 'yon, wag na lang pala dahil si Ashlene 'yon.

"Wag ka nga nanggugulat!"

Tumawa sya. "Sorry na.. ang seryoso mo kasi dyan, e." Sumilip pa sya sa ginagawa ko.

Agad kong niligpit ang mga 'yon at nilagay lahat sa bag ko.

"Wala lang 'yan. Saka wag ka masyado maingay baka mapagalitan pa tayo ng librarian alam mo naman yun masungit!" Medyo natatawang sabi ko.

"Tumanda kasing dalaga, e." Natatawang sabi ni Ashlene.

Ay! "Grabe ka! Wag ka maingay baka may maka rinig sayo!" Saway ko pa pero natawa na talaga ako yan tuloy napagalitan na kami ng tuluyan.

"IKAW? ANONG PLANO MO SA BUHAY PAGKATAPOS KA NANG MAG ARAL?" Tanong ni Ashlene.

Nasa bubong kami ng bahay namin, nakatingin kami sa mga bituin habang nag uusap tungkol sa mga plano namin sa buhay at hinaharap.

Anong plano ko sa buhay pagkatapos ko mag aral? Ang makasama ka habang buhay...

"Hmm.. ang plano ko ay humanap ng magandang trabaho yung sapat na para bumuhay ng pamilya." Kasama ka.

"Oh, kung magkaka anak ka, ilan gusto mo?" Tanong nya pa.

Ilan ba kaya mo? Gusto ko itanong 'yon pero wag na lang.

"Hindi ko alam."

"Ah." Wala nang nag salita samin at kinain kami ng katahimikan.

Ang hirap naman. Sa totoo lang nahihirapan na ako. Hindi ko maamin ang nararamdaman ko sa kanya dahil natatakot akong baka hindi kami parehas ng nararamdaman.

Natatakot akong umamin dahil baka masaktan lang ako. Natatakot akong sumugal pero ganon naman dapat diba? Susugal ka kasi kung hindi ka susugal sa nararamdaman mo patuloy ka lang mahihirapan.

Siguro panahon na para sumugal at umamin na ako ng nararamdaman ko... pero hindi ko na natuloy dahil sa sinabi nya na nag pa sakit ng puso ko.

"Gusto ko si Kio."

Kio? Yung kaklase namin na gusto nya rin noong grade 7 kami. Sya pa rin ang gusto nya? Akala ko ba hindi nya na gusto 'yon? Akala ko lang pala...

"CLASS, I WANT ALL OF YOU TO MAKE A LETTER FOR YOUR SPECIAL SOMEONE, CRUSH  AND GIVE IT TO HER/HIM ON VALENTINES DAY. YOU CAN ALSO MAKE A LETTER FOR YOUR FAMILY AND FRIENDS IF YOU WANT. AT PWEDE RIN KAYO GUMAWA NG LETTER PARA SA MGA TAONG NA A-APPRICIATE NYO." Our teacher said.

Pero parang wala naman akong gana pag dating sa raw na 'yan. Kahapon lang nasaktan ako at patuloy pa rin akong nasasaktan. Tsk.

Sabihin ba naman ng taong mahal mo sayo na may gusto syang iba sinong hindi masasaktan don? May karapatan akong masaktan kasi nag mahal ako pero ang sakit pala talaga.

I made a letter for her, for the woman that appreciate me.

Valentines day came. Every one is wearing a red shirt. Color of love daw. Tsk.

Pagpasok ko sa room halos nandoon na sioang lahat. Lahat talaga naka red, sakit sa mata! Yung iba naka couple shirt pa! Hindi kayo mag tatagal!

Ampalaya. Ampalaya kayo dyan. Napaka bitter ko naman!

Umupo na lang ako sa upuan ko at mayaya maya lang pumasok na ang teacher namin. Excited na nag bigayan ng letter ang mga kaklase ko. Yung ibang binigyan nila ng letter inaya pa silang mag date. Sana all.

Yung iba naman nagka aminan ng feelings.

"Ashlene, ibigay mo na ang letter mo." Nakangiting sabi ng teacher namin. Sunod sunod kasi ang ginawa, e. Bale by row ang pag bibigay.

Tumayo si Ashlene at nag umpisang mag lakad sa direksyon ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng unti unti na syang lumalapit. Napa pikit ako. Narinig ko ang mga tili at sigaw ng mga kaklase ko.

"SABI NA E MAY SOMETHING KAYO!"

"NAG DE-DATE NA KAYO NO?!"

"MAG DATE NA KAYO KUNG HINDI PA!"

"YOU LOOK GOOD TOGETHER!"

Unti unti kong mimulat ang mga mata ko na sana pala hindi ko na ginawa dahil masasaktan lang pala ako. Dahil sa katabi ko pala nya binigay ang letter. Kay Kio.

"Kyle, ikaw na. Bigay mo na ang letter mo."

Tumayo na ako at nag lakad sa babaeng pag bibigyan ko. Bibigay ko 'to sa kanya dahil na aappriciate ko sya. Alam kong may gusto sya sa'kin at matagal na syang nag papapansin pero hindi ko sya pinapansin dahil ang atensyon ko ay nakay Ashelene. Minsan naman pinag bibigyan ko sya na kumain kami ng sabay sa lunch pero hanggang dun na lang yun. I appriciate all of her effort.

"WAAAHHH OMYGHADDD!"

"ANG CUTE NYO!"

"BAGAY KAYO!!"

Nahihiyang tinanggap nya ang letter at namumula ang pisngi na humarap sa'kin.

"T-Thank you."

Ngimitian ko na lang sya at bumalik sa upuan ko. Sinalubong ako ni Ashlene na naka ngiti sa'kin.

"You like her! I knew it!"

Mapait akong ngumiti. "No you don't."

You don't know that i love you...











One Shot StoriesWhere stories live. Discover now