12-Banig

4 2 0
                                    

"Mahal..." Tawag sa'kin ng aking kasintahan na si Juan.

Tinignan ko sya at nginitian. Ang gwapo nya talaga at ang ganda ng katawan! May abs pa sya! Sarap nya kainin! Grr!

"Ang bigas." Dagdag nya sabay tawa ng malakas.

Bwiset! Gangling talaga mang bwiset ng lalaking 'to! Sarap iuwi sa bahay e.

"Bwiset." Inie na sambit ko.

"Joke lang! Mahal..." Sinadya nyang bitinin ang sasabihin nya.

"Ano?!" Sabi ko.

"Mahal na mahal kita." Dagdag nito na ikinangiti ko.

Kahit mahilig mang bwiset ang lalaking 'to mahal na mahal ko sya.

"Mahal na mahal din kita." Nakangiting sambit ko.

Nag ligpit na kami ng aming pinag kainan at tumayo na sa pagkaka upo sa banig. Nasa isa kaming lupain na pag mamayari ng pamilya nila Juan. Nag picnic kami. Banig ang gamit namin na panapin imbis na picnic blanket kasi sa banig kami mas komportable, dito kami nasanay. At ang banig na 'to ay matagal na samin. Ang dami na naming alaala sa banig na 'to. Sa banig na 'to kami unang nag ano...





Nag date.

Malay ko ba sa lalaking 'to kung bakit sa banig nya napili kami mag date. Pero ayos lang naman sa'kin hindi naman ako maarte ang mahalaga kasama ko sya, kasama ko ang lalaking mahal ko.


NAKATINGIN ako sa kisame ng kwarto ko. Required ba talagang mag imagine muna bago matulog? Dalawang oras na kasi akong nag iimagine e.

Tumagilid ako ng higa at napatingin sa banig sa gilid ng kama ko. Napangiti ako ang dami na naming alaala sa banig na yan. Natawa naman ako ng maalala ang mga nakakatawang pangyayari samin sa banig na yan.

Natatawang napailing na lang ako at pinikit ang mga mata at natulog.


"LUS, tara na maupo kana dito sa banig." Sambit ni Juan.

Nasa lupain ulit nila kami nag aya na naman syang mag picnic ulit. Umupo na ako sa banig at kumuha ng pagkain sa basket.

"Alam mo ba yung nakakatangang tanong?" Biglang sabi nya.

Loh? Trip neto?

"Ano?" Tanong ko.

"Bakit FOUR ang FIVE?" Sabi nya sabay tawa ng malakas natawa rin ako dahil sa tawa nya.

Oo nga no. Bakit kaya? Hay ayoko na isipin yan baka matanga rin ako.

Napatuloy kami sa pagkain at may bigla akong naisip.

"Juan, number ka?" Wika ko.

Pipick up line ako!

Nginitian nya ako. "Hindi, tao ako e."

Basag.

Tangina! Banatan ko kaya to?! Mag pipick up line ako tapos binasag!

"Bwiset!" Inis na sabi ko at tumalikod sa kanya. Kunwari nag tatampo, susuyuin ako nyab. Yung nag babasa hindi sinuyo hinayaan na lang.

"Sorry na, ito na aayos na. Sorry na." Panunuyo nya.

Bwiset! Pag 'to binasag nya ulit babasagin ko talaga mukha nya.

Humarap ako sa kanya. "Juan, number ka ba?"

"Bakit?" Nakangiting sabi nya.

"Kasi ikaw ang number JUAN sa puso ko." Banat ko.

Kiligin ka o sasapakin kita.

Bigla syang tumalikod sa'kin. Loh? Anyare sa lalaking 'to?

"Hoy, bakit ka tumalikod dyan?" Wika ko.

"Tangina kinikilig ako." Sabi nya at humarap sa'kin.

Ang cute nya talaga! Sarap pakasalan e.


"NAY, nandit na kami." Sambit ko at pumasok sa loob ng bahay namin. Kasama ko si Juan dahil inaya sya ni Nanay at Tatay na samin mag hapunan. Legal naman kami e. Yung nag babasa nilegal pero hindi nag tagal.

"Oh, sakto ang dating nyo kakatapos ko lang mag luto." Nag mano kaming dalawa ni Juan kay Nanay.

"Nay, ano ulam?" Tanong ni Juan sa Nanay ko.

"Loh? Nanay mo? Nanay mo?" Natatawang sabi ko.

"Oo! Nanay natin!" Nakangiting wika ni Juan.

Sipsip.

Natawa naman si Nanay kay Juan.

"Oh sya tara na kumain na tayo." Aya ni Nanay.

Pumunta na kami sa dining area nandoon na si Tatay. Umupo na kami, katabi ko si Juan at sa gilid naman ni Tatay si Nanay.

PAGKATAPOS kumain inaya ako ni Juan sa likod bahay namin. Tumingin ako sa madilim na langit ang ganda punong puno ito ng nag niningning na mga bituin.

Nilatag nya ang banig sa damuhan at naupo kami.

"Lus." Tawag ni Juan.

"Bakit?" Tinignan ko sya at nginitian.

"Mahal na mahal kita." Sambit nya.

"Mahal na mahal din kita." Sabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinagkan ito.

"Nung nililigawan pa lang kita mahal na mahal na kita at nung sinagot mo na ako mas lalo kitang minahal. Hindi kita nakikita bilang kasintahan ko lang dahil nakikita kita bilang asawa ko." Sambit nya at nangilid ang luha ko.

Ang saya sa pakiramdam na marinig 'to sa kanya. Ibig sabihin nakikita nya ang sarili nya na ako ang makakasama habang buhay. Ibig sabihin kasama ako sa mga plano nya sa hinaharap.

"Juan.."

"Gusto kitang nakasama habang buhay. Gusto kong ikaw ang maging ina ng mga magiging anak ko. Gusto kong ikaw ang makita kong katabi ko tuwing gigising ako. Gusto kong ikaw ang uuwian ko sa nakakapagod na araw. Gusto kong maging mister mo." Mahabang sabi nya at may kinuha sa bulsa nya.

Tumulo ang luha ko. Isa 'yong singsing. Lumuhod sya sa harap ko.

"Lus, will you marry me?" Mahina akong napahikbi hindi ko inakalang mangyayari 'to.

"Yes!" Sagot ko.

Sinuot nya ang singsing sa daliri ko at niyak ako.

"Saksi ang banig na 'to sa pag mamahalan nating dalawa." Medyo natatawang sabi nya pa.

"Mahal na mahal kita." Sambit nya.

"Mahal na mahal din kita." Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

Napaka saya ko! Ang lalaking mahal ko magiging mister ko na.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now