"Hoy!" Muntik ko na masapak yung sumigaw sa tenga ko!
Buset! Si Jerico pala ang boy bestfriend ko. Kay ganda ganda ng umaga ko mukhang sisirain nya pa!
"Ano ba?! Bakit ka naninigaw sa tenga?!" Inis na sigaw ko.
"Loh, inis ka naman agad! Ang seryoso mo kasi e!" Natatawang sambit nya.
"Malamang nag susulat ako ng bagong story!"
"Ay we? Totoo ba yan? E, hanggang prologue ka nga lang e hindi mo na tinatapos." Pang aasar nya pa.
Totoo yun nag susulat ako ng story pero hanggang prologue lang. Malay ko ba minsan kasi hindi maayos yung plot kaya timatamad na ako isulat.
Pero ngayon iba na. One shot story na ang sinusulat ko. Para kasi sa'kin mas maayos ko ito magagawa.
"One shot story na sinusulat ko." Sabi ko.
"Ah, pwede pabasa?" Tanong nya.
Mahilig si Jerico mag basa ng mga stories ko kahit minsan hindi ko pa natatapos. Lagi syang naka suporta sa'kin kaya kahit minsan masarap sya sapakin maswerte ako dahil naging kaibigan ko sya.
"Oo naman, hintayin mo na lang ipopost ko sa rp account ko." Sabi ko.
"Naks, hintayin ko yan ah."
"Oo. Tara na may klase pa tayo sa math." Aya ko sa kanya baka ma late na nman kami e mahirap na.
"Hays, alam mo yung masakit?" Biglang madramang tanong nya.
Loh, anyare dito? Na aabno na naman yata.
"Ano?"
"Magka sunod yung science at math! Hays alam mo bang parang pinipiga na utak ko?" Natawa naman ako sa mukha nya. Parang problemadong problemado sya at dala nya ang mundo.
"Tsk. Tara na nga makinig ka na lang." Hinila ko ma sya papasok sa room.
KINAGABIHAN pinost ko ang ginawa kong story kanina. Inaasahan ko na na onti lang ang react dahil hindi naman ako sikat na manunulat. Unenderrated writer ako. Okay lang sa'kin kahit konti ang sumusuporta sa mga gawa ko ang mahalaga may mga taong nag babasa pa rin ng gawa ko.
NAGPATULOY ako sa pag susulat ng mga one shot stories. May nakilala akong isang writerhood. Mababait sila at masaya kausap kahit hindi ko pa sila masyado kakilala alam kong mababait sila at tunay na kaibigan.
"Nicole!" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko.
Napangiti ako ng makitang si Jerico yun. May dala syang dalawang ice cream na nasa apa.
"Oh, cookies and cream yan favorite mo." Binigay nya sakin ang isang ice cream at masaya kong tinanggap 'yon.
Alam nya talaga ang gusto ko. Alam nya rin kayang gusto ko sya? Hayst. May gusto ako kay Jerico matagal na. Elementary pa lang mag kaibigan na kami. Si Jerico kasi yung tipo ng kaibigan na hindi nya namamalayan na napapa ibig nya na ang isang tao sa mga ginagawa nya.
Maalaga, matulungin, mabait at sweet sya sa'kin kaya hindi ko maiwasang magka gusto sa kanya.
"Oy! Alam kong pogi ako pero wag mo naman ako titigan ng ganyan!" Napakurap kurap ako. Napatitig na pala ako sa kanya.
"Tara na nga mahuli pa tayo sa klase." Aya ko.
"JERICO tumigil na lang kaya ako sa pag susulat." Sabi ko sa kanya. Naka upo kami sa isa sa mga upuan sa park.
"Loh, bakit naman?" Tanong nya.
"E kasi ang konti lagi ng react sa mga post kong stories at onti lang ang bumabasa." Aniya ko.
