7-Batang ama

3 1 0
                                    

"Daddy! Daddy! Look i got five stars!" Napangiti ako habang tinitignan si Azeleyah na pinapakita sa'kin ang mga nakuha nyang stars sa school na nakatatak sa braso nya.

"Wow, ang galing talaga ng baby ko!" Masayang sabi ko.

She pouted. "Daddy, don't call me baby! I'm big girl na, 5 years old na po ako." Pinakita nya pa sa'kin ang lima nyang daliri.

Natawa naman ako sa kanya kinurot ko ang pisngie nya sapat na para hindi sya masaktan.

"Daddy, kailan po ulit tayo bibisita kay Mommy?" Tanong ng aking anak.

Nasasaktan ako para sa anak ko dahil alam kong kahit nandito ako hinahanap hanap nya pa rin ang ina nya.

"Sa sunday, baby." Sagot ko.

"Yehey! Daddy buy po ulit tayo ng flowers para kay Mommy! Yung white roses po diba po favorite ni Mommy yun?" Kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata.

Azeleyah is a good daughter. Sa murang edad nya naiintindihan nya na ang mga nangyayari sa paligid nya.

"Yes baby favorite ni Mommy yun." Nanginig ang boses ko. Pinipigipan ko ang hindi umiyak dahil mag aalala lang ang anak ko.

"Daddy! Kanina mo pa ako tinatawag na baby! I'm big girl na!" She pouted.

"Tara na nga mag bihis kana at bumaba para maka pag meryenda kana."

Dinala ko sya sa kwarto nya at binihisan. Pagka tapos nya mag meryenda nakipag laro na agad sya kay Luke yung kapitbahay naming batang lalaki.


PAGOD akong umupo sa sofa, kakauwi ko lang galing school. Busy na ako ngayon dahil malapit na ang final exams namin. May mga projects pa akong hindi napapasa at may trabaho pa ako mamayang gabi.

Napatingin ako sa gilid ko ng may umupo dun, si Mama. Nilapag nya ang baso ng juice sa lamesa.

"Anak, uminom ka muna ng juice."

"Thank you, ma." Nginitian ko si Mama. Kinuha ko ang juice at uminom.

Pagkatapos uminom nilapag ko ulit yun sa lamesa.

"Anak, kaya mo pa ba? Baka kung mapano ka dyan sa ginagawa mo. Nag aaral ka sa umaga at nag tratrabaho ka naman sa gabi baka magka sakit ka nyan." Nag aalala ang boses ni Mama.

Nginitian ko sya. "Ma, kaya ko po. Kakayanin ko para sayo at kay Azeleyah."

"Sigurado ka ba, anak? Pwede ka naman ng tumigil sa pag tratrabaho, e. Kaya ko pa namang pag aralin ka. May ipon kami ng Papa mo para sa pag aaral mo." Sabi ni Mama.

"Ma, ayos lang po ako. Tabi nyo na lang po yan para sa mga gamot nyo." Aniya ko.

"Anak, proud na proud ako sayo kasi kahit maaga kang naging ama hindi ka tumakas sa responsibilidad mo." Nangilid ang luha ni Mama.

Yun ang hinding hindi ko gagawin ang tumakas sa responsibilidad. Kahit na 17 years old pa lang ako ng mabuntis ko ang girlfriend ko pananagutan ko pa rin yun dahil yun ang tamang gawin. Hindi ko pinag sisihan ang ginawa ko dahil blessing si Azeleyah sa'kin.


MAAGA akong nagising sa araw ng linggo. Nag luto muna ako ng agahan bago gisingin si Azeleyah.

"Baby, gising na." Tinapik ko ng mahina ang mataba nyang pisngi.

Gumalaw ito ng bahagya pero hindi pa rin gising niyakap pa nito ng mahigpit ang unan.

"Gising na sunday ngayon bibisita tayo kay Mommy!" Sabi ko at agad na minulat nya ang kanyang mga mata at tumayo agad.

Natawa naman ako.

"Yehey! Bibisita tayo kay Mommy! Wait lang Daddy ma liligo na po ako!" Masiglang sabi nito at kumuha ng damit nya sa kanyang maliit na closet sapat na para maabot nya.

NILAGAY ko ang mga puting rosas sa kanyang lapida at umupo kami sa damuhan.

"Daddy, pwede mo po ba ako mag tanong tungkol sa inyo Mommy?" Sambit ni Azeleyah.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Sure."

"Daddy, saan po kayo nagka kilala ni Mommy?" Tanong nya.

"Sa school. Kaklase ko sya at seatmate rin." Sagot ko.

"E, pano po naging kayo ni Mommy?" Tanong nya ulit.

"Niligawan ko sya ng dalawang buwan sabi nya pa kaya daw hindi nya ako sinagot agad pag papakipot daw tawag dun." Natatawang sabi ko at narinig ko rin ang mahinang tawa ni Azeleyah.

"Ako po ba dahilan ng pagka matay ni Mommy?" Nagugulat na napatingin ako kay Azeleyah dahil sa sinabi nya.

"Baby, bakit mo naman nasabi yan?" Sambit ko.

"Kasi po kung hindi ako nabuo o dumating sa buhay nyo siguro po buhay pa si Mommy." Nangilid ang luha nito.

Niyakap ko sya at hinagid ng marahan ang likod.

"Hindi. Hindi ikaw ang dahilan, baby. Shh.. wag kana umiyak." Pag papatahan ko.

Hindi naman talaga sya ang dahilan, wala syang kasalanan. Pinili ni Leyah na si Azeleyah ang buhayin imbis na sya. Tumulo ang luha ko ng maalala na naman ang nangyari.

"AZE, ang anak natin ang piliin mo!" Nanginig ang boses ni Leyah at tumulo ang luha nito.

"L-Leyah.." Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalilito na ako! Pinapapili ako ng doktor kung si Leyah ba ang bubuhayin o ang anak namin. Nagka roon ng komplikasyon ang pag bubuntis nya dahil bata pa sya. Kasalan ko 'to!.

"Aze, ang anak natin ang piliin mo! Gusto kong mabuhay sya. Mahal na mahal kita at ang anak natin, aze. Pag wala na ako lagi mong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya. Sabihin mo sa kanya na kahit wala ako sa tabi nya lagi ko syang binabantayan. Azeleyah, Azeleyah ang ipangalan mo sa kanya. Mahal na mahal ko kayo..."




"DADDY! Daddy! May letter ako para sayo!" Masayang sabi ni Azeleyah habang winawagayway ang isang papel.

Napangiti ako ng makita ko sya. Kamukhang kamukha nya talaga ang Mommy nya. Madami rin silang pagkaka parehas sa mga bagay.

"Wow, pwede mo ba basahin sa'kin?" Naka ngiting sambit ko.

"Opo, daddy!" Masayang sabi nya.

Naka upo ako sa sofa at naka tayo sya sa harap ko.

"Daddy ko ikaw ang bayani ko. Ikaw ang tagapag tanggol ko tuwing may nang aaway sa'kin. Daddy, salamat sa pag aalala at pag mamahal na binibigay mo sa'kin. Proud po ako sayo dahil na pag sasabay mo po ang pag aaral, pag tratrabaho at pag aalaga sa'kin. Kahit pagod ka po galing sa school at work lagi mo po akong binibigyan ng oras para maka pag laro tayo. Daddy, pangako po pag lumaki na ako, ako naman ang mag aalaga sayo at kay lola. Love you, daddy." Basa nya sa letter.

Tumulo ang luha ko, niyakap ko sya.

"Thank you, baby."

"Daddy, mahal na mahal po kita." Nanginig ang boses nya.

"Mahal din kita, anak." Sabi ko at niyakap pa sya ng mahigpit.

Maswerte ako na dumating si Azeleyah sa buhay ko. Wala akong pinag sisisihan sa mga nagawa ko. Hindi madaling maging batang ama, oo, pero kakayanin mo lahat para sa anak mo. Kasi ang anak sila ang lakas natin para mag  patuloy. Ang anak ang inspirasyon natin para mag sumikap pa sa pag tratrabaho dahil gusto natin sila mabigyan ng komportable at maayos na buhay.

Kaya sa mga batang ama wag nyo takasan ang resposibilidad nyo. Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng anak. Ang anak  ko ang pahinga ko.














One Shot StoriesWhere stories live. Discover now