10-Gayuma

4 2 0
                                    




"Oy Isabel diba crush mo yun?!" Pasigaw na tanong ni Ceni kaya binatukan ko sya!

Pano lahat ng estudyante napatingin pati crush ko! Great! Just great!

"Oo! Crush ko yun wag ka nga maingay dyan!" Inis na sabi ko at kinurot sya sa bewang.

Napangiwi sya sa pag kurot ko sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba crinucrush back?" Mahinang tanong nyan.

Hays. Yung crush ko na yun ayaw paranas sa'kin ang crushback. Crushback lang e, damot.

"Hindi pa. Araw araw na nga ako nag paparinig at lahat ng shared post ko patama sa kanya pero mukhang manhid e. Ayaw pa rin ako i-crushback." Sambit ko.

"Tanga! Hindi manhid yun sadyang hindi ka lang talaga nya gusto." Sabi ni Ceni at tumawa ng malakas!

Awit. Kaibigan ko ba talaga 'to?

"Salamat sa suporta kaibigan." Sarkastikong sambit ko at tinignan sya ng masama.

Tinignan ko ang direksyon kung nasaan si Marlon, ang crush ko. Tsk. Magkaka gusto ka rin sa'kin.




"NAY, kailangan ko po ang tulong nyo." Sabi ko kaya tinignan ako ni Nanay.

Umupo ako sa tabi ni Nanay at tinulungan sya mag putol ng sitaw.

"Anong tulong?" Tanong ni Nanay.

Alam kong matagal ng tumigil sa gantong gawain si Nanay pero baka naman matulungan nya ako.

"Nay, pwede nyo po ba ako gawan ng gayuma?" Sambit ko at nag bago agad ang ekspesyon nito naging seryoso.

"Hindi." Maikling sagot ni Nanay at tumayo na.

Hinawakan ko sya sa kamay. "Please Nay." Pakiusap ko.

Alam kong ayaw nya talaga pero gusto ko talaga si Marlon, e. Handa akong gawin lahat magustuhan nya lang ako.

"Hindi. Anak, ayaw kong matulad ka sa'kin." Nanginig ang boses ni Nanay at nangilid ang luha

Nay... sorry.



LUMABAS ako ng kwarto ko ng masigurong tulog na si Nanay. Binuksan ko ang isa pang pinto katabi ng kwarto ni Nanay. Bumungad sa'kin ang mga bote na iba't ibang klase ang sukat.

Pinag bawalan ako ni Nanay na pumasok dito pero gusto ko talaga makuha ang gayuma. Oo, mang kukulam ang Nanay ko pero matagal na syang tumigil simula ng mamatay si Tatay. Walang nakaka alam na mang kukulam si Nanay kaming dalawa lang maski si Ceni na kaibigan ko hindi nya alam.

Kinuha ko ang isang bote ng gayuma at lumabas na ng kwarto sinarado ko ulit 'yon. Pumasok ulit ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Pinag masdan ko ang bote ng gayuma. Nay, sorry po gusto ko talaga si Marlon e.

Ayaw ni Nanay na gumamit ako ng gayuma sa taong gusto ko dahil ayaw nyang matulad ako sa kanya. Kasi noon ginamitan nya rin ang gayuma si Tatay. Gustong gusto nya si Tatay kaya nya nagawa yun, minahal sya ni Tatay pero ng nawala ang bisa ng gayuma iniwan sya ni Tatay. Buntis na si Nanay ng iwan sya ni Tatay tapos isang araw nabalitaan daw ni Nanay na nag pakasal na si Tatay sa babaeng totoong mahal nito. Nagkaroon ng pamilya si Tatay pero sabi ni Nanay nagkaroon daw ng sakit si Tatay sa puso at di nag tagal namatay ito.

Tumulo ang luha ko. Tay, hindi ko man lang nakita ang mukha mo. Hindi ko man lang nahawakan ang mga kamay mo. Hindi man lang kita nayakap.



One Shot StoriesWhere stories live. Discover now