"Luna!" Tawag ko sa babaeng naka talikod sa'kin.
Lumingon sya sa'kin at napangiti ito. That smile, i love her smile but i love her more. She's my Luna.
"Eros!" She said and run towards me. Niyakap nya ako ng mahigpit, niyakap ko rin sya.
"Para namang hindi tayo nag kita kahapon." Natatawang sambit ko.
She chuckled. "Na-miss kita, e."
Fuck! Pakiramdam ko nag init ang mukha ko! She's making me blush!
"I-i miss you too." I said.
Kumawala na sya sa pagkaka yakap sa'kin.
"Ano? Saan na tayo?" Tanong nya.
Friday ngayon tuwing friday kasi nag d-date kami. Friday lang kasi kami may mahabang oras na magkasama. Monday to thursday we're both busy on our school works.
"Tayo na lang." Banat ko at natawa naman sya.
Kami naman talaga. 3 years na kami at sa darating na September 30 ay mag fo-4 years na kami.
"Tayo naman talaga." Dagdag nya.
Natawa na lang kami parehas. Napag kasunduan namin na sa isang fast food chain na lang kumain. Hindi naman kami yung tipo ng mag kasintahan na laging sa mamahalin na restaurant kumakain. Fast food lang okay na kami ang mahalaga busog.
Pagka tapos kumain bumalik ulit kami sa park para mag lakad. Ang ganda nung park may christmas lights na naka sabit sa mga puno. Ang lamig pa ng simoy ng hangin.
Magka hawak kamay kaming nag lalakad. This is the life that i want. A peaceful life with her. Huminto kami sa pag lalakad at humarap sya sa'kin.
"I love you, Eros." She said and smiled.
Hinawakan ko ang pisngi nya at pinag dikit ang noo namin.
"I love you more, my moon." Nakangiting sabi ko at hinalikan ang noo nya.
LUMIPAS ang buwan at hindi ko namalayan na Semptember 25 na pala. Malapit na ang 4th anniversarry namin. Honestly, wala pa akong plano para don. Last year kasi na anniversarry namin kumain at namasyal lang kami.
Ngayon hindi ko pa alam ang gagawin ko. Balak ko sanang dalhin si Luna sa isang mamahaling restaurant pero alam kong ayaw nya don. Hay saan ko kaya sya pwede dalhin?
ANNIVERSARRY na namin ngayon! Pupuntahan ko na sana sya sa park pero nag text sya sakin na nasa isang convience store daw sya. Alam ko naman yun kaya dun na lang ako pupunta.
Sabi nya kumain na lang daw kami sa restaurant at mamasyal pumayag naman ako. Kung ano ang gusto nya dun ako.
Nasa kabilang kalsada ang convenience store kaya tatawid pa ako. Patawid na sana ako ng biglang may babaeng kumaway na nasa tapat ng convenience store. My Luna!
Sumenyas sya na sya na lang ang tatawid kaya ngumiti ako. Tumingin muna sya sa kaliwa't kanan ng masigurado na wala ng sasakyan tsaka sya nag lakad para tumawid pero... may isang kotse na humaharurot sa daan at... nabangga si Luna..
Sa sobrang lakas ng pagkaka banggang kay Luna tumalipon sya at nag pagulong gulong sa kalsada. Para akong nanlamig at hindi maka kilos sa pwesto ko.
Nagkaka gulo ang nga tao at yung kotse na humaharurot ay tumama sa isang poste.
"TULUNGAN NYO!"
"TUMAWAG KAYO NG TULONG!"
"BILISAN NYO! NAG AAGAW BUHAY NA YUNG BABAE!"
Narinig kong mga sigaw nila may naka bangga sa'king babae kaya para akong natauhan. Mabilis akong tumakbo palapit kay Luna at hinawakan ang kamay nya.
Dumudugo ang ulo nya at pati ibang parte ng katawan nya ay dumugo rin.
"Luna! Wag ka pipikit please!" Nanginig ang boses ko.
Tinignan nya ako at kahit nahihirapan inabot nya ang mukha ko.
"Ala..gaan mo... ang sarili mo.." Nahihirapang sabi nya.
Luna please lumaban ka..
"Luna, lumaban ka. Padating na ang tulong konting tiis na lang... please wag kang pipikit." Pakiusap ko at tumulo ang luha ko.
"Mahal... na mahal.. kita, Eros.." Sabi nya pa.
Luna! Wag mo 'kong iwan ng ganito. Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin..
"Luna, please wag, wag kang pipikit, wag mo kong iwan.. nangako ka na magka sama tayong tatanda, nangako ka na hindi mo 'ko iiwan..." Sabi ko.
Ngumiti sya sa'kin at nakita kong tumulo ang luha nya.
"Sorry... hindi ko.. matutupad ang... pangako..ko." Nahihirapang sabi nya na nag pahagulgol sa'kin.
"I'm sleepy... can i rest.. now...?" Nahihirapang tanong nya.
"Yes moon.. you can sleep now. I love you... hintayin mo ako mag kikita ulit tayo.." Sambit ko at mas lalong hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay nya.
"I love you.." Sabi nya at unti unti ng pumikit ang kanyang nga mata. Naramdaman ko ring lumuwag ang kapit nya sa kamay ko.
Masakit na ganito mo ako iniwan pero tatanggapin ko. Kakayanin ko. Rest easy now my moon. Hintayin mo ako...
"Eros.. Eros..." Rinig kong may tumatawag sa'kin.
Pamilyar ang boses nya.. yung boses na paulit ulit kong naririnig dati at paulit ulit ko ring hihilingin na sana marinig ko ulit ang boses nya.
"Eros..." Nagulat ako ng may babaeng sumulpot sa harap ko pero... di sya basta babae sya si Luna.. ang babaeng mahal ko.
"Luna..." Nanginig ako boses ko.
Di ko maintindihan napaka tahimik ng paligid parang kami lang dalawa ang tao. Niyakap ko sya ng mahigpit. Matagal na akong nangungulila sa yakap nya, sa halik nya at sa kanya.
"Luna... wag mo na akong iwan please.." Pakiusap ko.
"Eros, mahal na mahal kita..." Sabi nya.
"Mahal na mahal din kita." Sabi ko.
Wag ka ng umalis.. pero bakit parang may mali? Unti unti syang nag lalaho habang magka yakap kami. No!
"Luna! Wag mo 'kong iwan!" Umiiyak na pakiusap ko.
Ngumiti sya sa'kin at tumulo ang luha nya. "Hihintayin kita.." Huling sinabi nya bago mag laho ng tuluyan.
"Luna!" Sigaw ko at napa balikwas ng bangon. Hinihingal pa ako at pawis na pawis ang katawan ko.
It was just a dream. Yun yung panaginip na kahit masakit paulit ulit kong gugustuhin na mapanaginipan. Kasi sa panaginip nayayakap ko pa sya, sa panaginip nakaka usap ko pa sya, sa panaginig nakikita ko pa yung ngiti nya.
Bumangon ako sa pagkaka higa at kinuha ang isang picture frame na nasa study table ko. Picture naming dalawa ni Luna yun na nasa park kami. Yung ngiti nya.. sobrang miss ko na... sobrang miss ko na sya.
Nag lakad ako sa may bintana binuksan ko yun at nalamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa'kin. Tinignan ko ang buwan bilog na bilog yun at ang liwaliwanag. Puno rin ng ng mga bituin ang langit.
Tinignan ko ng mabuti ang buwan. Naalala ko si Luna.. her name means moon.
"Luna.. miss na kita... hintayin mo lang ako magkikita ulit tayo. Dalawang taon na ang naka lipas pera wala pa ring nag bago ikaw pa rin ang mahal ko. I'll continue loving you in my dreams." Nanginig ang boses ko.
Nung nawala ka sobrang sakit minsan gusto ko na lang umiyak magdamag. Pero kailangan kong kayanin at tanggapin dahil alam kong 'yon ang gusto mo ang ipag patuloy ang buhay ko kahit wala kana..
Luna is my moon, my star, my strength, my light. Luna is my everything. No one can replace her in my heart because she's one of a kind. She's my moon, my one and only moon.
