8-Hanggang sa muli

5 2 0
                                    

Napatingin ako sa gilid ko ng may umupo dun. Nasa park ako dahil dito gusto makipag kita ng kaibigan ko.

"Burger?" Inalok nya sa'kin ang isang burger, nginitian ko muna sya bago ito tinaggap.

Tahimik lang kami at walang kahit sinong nag sasalita sa pagitan naming dalawa hanggang sa basagin nya ang katahimikan.

"Kaya mo naman ng wala ako diba?" Sambit nya.

Tinignan ko sya sa mga mata kitang kita ko ang mga lungkot dito. Mapait akong ngumiti. Why people always come and go?

"Oo, kakayanin pero masakit lang na sinanay mo ako na palagi kang nandyan tapos aalis ka rin pala." Malungkot kong sinabi.

"Sorry.. i don't want to leave you but i have to." He said.

"It's okay, Ryle. I understand." I said.

Ryle is my bestfriend i met him 1 year ago. Magkaklase kami nung grade 7 at hanggang ngayon na grade 8 na kami magkaklase pa rin kami.

"Babalik ka pa ba?" Tanong ko.

Mapait syang ngumiti bago sumagot. "Oo, pagka tapos ko mag aral ng college."

Matagal pala bago sya bumalik. Matagal rin akong mangungulila sa kanya.

"KRIS!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, si Ryle.

Nginitian ko sya at niyakap dahil sa susunod na mga araw hindi ko na magagawa yun.

"May gagawin ka ba ngayon, after class?" Tanong nya.

Inisip ko muna bago sumagot. Wala naman dahil napasaya ko na yung mga projects na kailangan ipasa at yung binigay na assignments kanina ginawa ko na dahil madali lang naman.

"Wala, bakit?" Sambit ko.

"Ah, mamaya sunduin kita sa inyo 6:00 PM." He said.

Loh? Bakit kaya? Ano na naman kaya plinaplano nito? Si Ryle kasi mahilig sa surprise yan, e. Nung 12th birthday ko nga sinurpresa nya ako e. Nag set up sya ng birthday party sa bahay namin, nagulat na lang ako pag uwi ko galing sa school nandoon na yung nga kaklase, kaibigan at teachers namin.

"Bakit? Ano meron?" Tanong ko pa.

Ngumisi sya sa'kin. "Basta! Sunduin kita mamaya, ah." Sinabi nya bago umalis.

SABI na e may surpresa sya. Nung sinundo nya ako sa bahay nila kami dumeretso. Bumati muna kami kay Tita at Tito bago nya ako dinala sa garden nila.

Napangiti ako ng makita ang itsura ng garden. May mga naka sabit na mga ilaw na iba't iba ang kulay. Napatingin ako sa bandang gitna ng garden at may naka latag doon na picnic blanket sa tabi non may isang basket na sa tingin ko ay pagkain ang laman.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong nya.

Yinakap ko sya ng mahigpit nangilid ang mga luha ko hindi ko alam kung bakit. "Oo sobra."

"Shh... wag ka umiyak hindi pa ako patay." Pag bibiro nya kaya natawa ako.

Pinaupo nya ako sa picnic blanket at sya naman ay binuksan ang basket. Pagkain nga ang laman. Kumain na muna kami, pagkatapos kumain niligpit namin ang aming mga pinag kainan.

"Ikaw ba lahat nag handa nito?" Sambit ko.

Ngumiti sya. "Oo naman!"

"Naks, ano ba meron at may pa ganto ka?"

"Wala, gusto lang kita makasama." Mahina nyang sinabi sapat na para marinig ko.

Ako rin gusto kita makasama ng matagal pero malabo na, e. Aalis kana sa isang linggo. Aalis sya dahil sa Amerika na sya mag aaral at para na rin masamahan nya ang Lola nya don.

"Mag iingat ka dun alagaan mo ang sarili mo." Sabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti. "Pangako, aalagaan ko ang sarili ko. Mangako ka rin sa'kin na aalagaan at iingatan mo sarili mo."

"Pangako." Sabi ko.

Mahirap mangako lalo na kung hindi mo naman kayang tuparin. Nangako sya sa'kin dati na hindi nya ako iiwan pero heto sya at iiwan ako, naiintindihan ko naman dahil para ito sa kanya, para sa pag aaral at sa Lola nya.

Hihintayin ko syang bumalik. Kahit gaano pa katagal mag hihintay ako makita at makasama lang syang muli.

DUMATING ang araw na aalis na si Ryle. Sabi nya wag ko na daw sya hatid sa airport dahil ayaw nya ako makitang umiyak. Hindi naman maiiwasan ang pag iyak lalo na dahil alam mong aalis ang kaibigan mo.

Pinuntahan nya ako sa bahay bago sya dumeretso sa airport.

"Kris, mag iingat ka palagi alagaan mo ang sarili mo dahil wala na ko dito para bantayan ka. Sorry.. ayaw ko naman talaga umalis pero kailangan, e. Salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa'kin. Patawarin mo ako hanggang sa muli, kaibigan." His voice cracked.

"Okay lang babalik ka naman e pero matagal nga lang. Hihintayin kita wag mo ko papalitan pag naka hanap ka na ng bagong kaibigan don ah" Tumulo ang luha ko.

"Hindi. Walang papalit sayo nag iisa ka lang, Kris." He said.

"Thank you for always making me happy. Thank for always making me feel special everytime i'm with you. I'll wait for you. Hanggang sa muli." My voice cracked.

Nakatingin lang ako sa kanya na unti unti ng lumalayo sa'kin. Hindi pa naman ito ang aming huling ag kikita. Hihintayin ko sya.

Isa syang totoong kaibigan. Ang mga totoong kaibigan ay bihira lang. Sila yung nandyan lagi para sayo, sila yung dadamayan ka sa problema mo. Hindi ka nila huhusgahan at makikinig muna sila sayo.

Hihintayin ko ang pag babalik mo. Hanggang sa muli, kaibigan.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now