9-I'm sorry

5 2 0
                                    

Boy best friend.

Naka dungaw ako sa bintana sa kwarto ko. Kakagising ko lang at hindi pa ako naka paghihilamos at magulo ang buhok.

Mataas na ang araw sa labas tinanghali na naman ako ng gising. Napatingin ako sa kaliwa ko ng may maanig na tao. Naka tingin rin sya sa 'kin na para bang kinakabisado ang mukha ko.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway. "Good morning!" Masayang bati ko.

"Good morning, Sunshine!" Naka ngiting balik bati nya. Ang gwapo nya talaga!

"Punta tayo mamaya sa batis, ah." Sabi ko.

"Sige ba!"

Nag paalam na ako na papasok para maka pag handa na mamaya sa pag alis namin papunta sa batis.

------

"Sunshine, mag ingat ka." Inalalayan ako ni Jerome sa pag lalakad dahil masyadong mabato papunta sa batis.

"Ouch!" Natalisod ako sa isang malaki at matulis na bato! Ang lampa ko talaga!

"Shit! Sabi na kasing mag ingat, e!" Parang galit pa na sabi nya sa 'kin at inalalayan akong maupo sa isang malaking bato.

"Bakit galit ka? Hindi naman sinasadya, e." Naka ngusong sabi ko.

"Sorry, ayaw ko lang na nasasaktan ka." Mahinanong wika nya. Napangiti naman ako at medyo nag init ang pisngi.

Yan si Jerome. Maalaga at maalalahanin sya. Mag kaklase kami simula elementary at hanggang ngayon na high school na kami. Kapit bahay rin namin sya.

Inaamin ko na gusto ko sya at alam nya 'yon, gusto nya rin naman ako. Simula ng nagka aminan kami na gusto namin ang isa't isa mas lalo kaming naging close. Sabay na pumapasok sa school, sabay na gumagawa ng mga homework, sabay na natututo ng mga bagong kaalaman.

Mag iisang taon nya na akong nililigawan pero hindi ko pa rin sya sinasagot. Sinabihan ko na sya na tumigil na pero ayaw nyang mag papigil. May dahilan ako... Dahil ayaw ko syang masaktan. Alam nya ang dahilan ko at naiintindihan nya, alam kong nasasaktan na sya ngayon pa lang kaya hanggat maari ayaw kong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya... Na mahal ko sya.

Ayaw kong sabihin sa kanya kasi ayaw ko na syang umasa pa, ayaw kong sabihin sa kanya dahil ayaw ko na syang masaktan pa ng lubos. Nasasaktan ako pag nakikita ko syang naka tingin sa 'kin na parang humihiling na manatili ako ng matagal at wag nang mawala...

"Hoy, tara na." Pukaw ni Jerome sa malalim kong pag iisip.

Napakurap ako at napatingin sa paa ko, may panyo nang nakatali doon medyo hindi na masakit. Inalalayan nya ulit akong tumayo at nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa nakarating kami sa batis.

Ang malinaw linaw nitong tubig, ang malamig na simoy ng hangin, ang sumasayaw na mga puno pag umuuhip ang malakas na hangin, ang mga dahon na nag liliparan, ang sarap sa pakiramdam sana pwede kaming manatili ng ganito habang buhay.

Umupo kami sa upuan na gawa sa kahoy may lamesa rin don na gawa sa kahoy kung saan namin pinatong ang bag na dala namin na nag lalaman ng mga pagkain at damit.

"Pano ka maliligo nyan? Yung paa mo kaya mo ba?" Nag aalalang tanong nya.

Tumango ako at ngumiti. "Okay na, kaya kong maligo onting sakit na lang naman."

"Sige, tara ligo na tayo." Tumayo na sya at nag hubad ng pang itaas na damit.

Tumayo rin ako at lumapit sa batis napasinghap ako ng bigla na lang syang tumalon at natalansikan ng tubig ang mukha ko. Tawa tawa naman sya sa 'kin.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now